^

PSN Showbiz

Julia sumuko na sa amang si Dennis Padilla!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia sumuko na sa amang si Dennis Padilla!

Naayos na raw ang gusot sa pagitan nina Dennis Padilla at Julia Barretto. Aksidenteng nagkita at nagkausap sa iisang gym ang dalawa. Hindi raw inaasahan ni Julia na mangyayari ito sa kanilang mag-ama. “I’m so glad that little by little we’re able to patch things up. Naayos na lahat and as a daughter, it makes me happy because at the end of the day, he is still my dad kahit ano ang mangyari,” bungad ni Julia.

Samantala, sa susunod na buwan ay sisimulan na ang isang bagong teleserye ng aktres kung saan ay makakatrabaho niya ang idolong si Bea Alonzo. “It’s a dream to be working with them next month. People are giving me this chance and it’s not every day you get to work with veteran actors. When I entered showbiz, pangarap ko lang makatrabaho sila, tapos ngayon nangyayari na,” nakangiting pahayag ni Julia.

Kamakailan ay pumirma na rin ng recording contract sa Universal Records ang nakababatang kapatid ng aktres na si Claudia. Sa ngayon ay hindi pa raw makapagbibigay ng detalye si Julia kung ano ang mga dapat abangan ng mga tagahanga kay Claudia. “I don’t want to give it away. I think she wants to surprise people. I don’t think it’s the typical OPM music that you hear nowadays. That girl is wise beyond her years. Alam na niya ang ginagawa niya more than anyone,” nakangiting pahayag ni Julia.     

Enchong sobrang galing sa pagkanta ang pakiramdam

Sa Biyernes ay maglulunsad ng kanyang ikalawang album si Enchong Dee.

May titulo itong EDM (Enchong Dee Moves). Ilan sa mga kantang kasama rito ay ang Di Ko Alam at ang carrier single naTelenobela.

Matatandaang taong 2014 nang unang mag-release ng album ang aktor. Ang nasabing album ay isa sa mga espesyal na proyekto ni Enchong bilang pagdiriwang ng kanyang ika-sampung taon sa show business. “I want to give something na really close to my heart. And ever since naman, sabi ko kahit hindi ako ipinanganak na may talent sa pagkanta, ito talaga ‘yung gusto kong gawin. Ito talaga ang mahal kong gawin. So what better way to give something them a piece of me na sobrang galing talaga ako,” nakangiting pahayag ni Enchong. Malayung-malayo raw ang kaibahan ng bagong album kumpara sa unang inilabas ng aktor noon. “This time, may variety ‘yung buong album. May hurt, may fun, may danceable siya. It’s not like the first one na parang ipinakita ko lang talaga si Enchong on the lighter side,” pagbabahagi ni Enchong.

vuukle comment

KYLE LOWRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with