^

PSN Showbiz

Kampanyang Pope, Thank You sa Malasakit nanguna sa mga Kapamilya winners Philippine Quill Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumamada ang ABS-CBN Corporation ng 12 pa­rangal sa ika-14 na Philippine Quill Awards, kung saan sila ang may pinakamadaming award sa iba’t ibang organisasyon ng media at entertainment na sumali sa prestihiyosong patimpalak ng Inter­na­tio­nal Association of Business Communicators (IABC) Philippines.

Ang kampanya ng network na Pope, Thank You Sa Malasakit (POPETYSM) para sa 2015 Papal Vi­sit sa Pilipinas ay nakasungkit ng tatlong Quill awards para manguna sa mga Kapamilya winners. Kasama sa initiyatibo ng POPETYSM ay isang social media campaign na nagbigay inspirasyon sa bansa sa pag­­dalaw ni Papa Francisco, isang Book of Thanks na nagpakita ng pagpapasalamat ng sambayanan sa Papa, at ang cross-platform cove­rage na nakuha ang gustong iparating na mensahe ng pagpapasalamat sa Papa ng buong bansa.

Samantala ang Changing the Way you Look at TV with ABS-CBN TVPlus na kampanya para sa matagumpay na pag-launch ng  mahiwagang black box ng ABS-CBN TVPlus ay nag-uwi rin ng parangal mula sa Quill awards.

Bukod pa riyan, ang global subscription TV channel na TFC, The Filipino Channel ay ginawaran din ng award para sa mga sa  Galing ng Filipino, Ipagpa­tuloy Mo na kampanya nila para sa ika-20 anibersar­yo ng naturang channel, habang ang Cinema One, ang numero unong cable channel sa Pilipinas, ay ki­nilala para sa ika-10 na anibersaryo ng kanilang di­gital film festival na  Cinema One Originals 2014: Intense.

Samantala, ang Kapamilya Thank You: The ABS-CBN Christmas Party ay kinilala din sa taunang salu-salo tuwing Kapaskuhan ng mga Kapa­milya employees.

Ang ABS-CBN Integrated Sports ay hindi naman pahuhuli dahil pinarangalan din ang kanilang kam­panyang Isang Bayan Para kay Pacman na ini­lunsad nila bago pa man ang laban ng People’s Champion na si Manny Pacquiao at ng katungga­ling si Floyd Mayweather, Jr.

Ang ABS-CBN din ay muling naging finalist para sa Company of the Year award, na binibigay sa kumpanya na nakatanggap ng pinakamaraming Excellence Awards sa buong taon.

 Ang prestihiyosong Philippine Quill Awards ay handog ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines para bigyan ng pa­rangal at pagkilala ang mga mahuhusay na communication programs at tools na nagpapakita ng ma­linaw na layunin, stratehiya, malikhaing pagsasa­gawa, at masusukat na mga benepisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with