^

PSN Showbiz

Coleen mahiyain daw pero bigay na bigay sa love scenes nila ni Piolo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakamahaiyain pala ni Coleen Garcia kaya ayaw na niyang balikan pa ang pagiging host ng It’s Showtime. Matagal na panahon din siyang naging co-host ng programa bago siya nagpasya na tuluyan na itong iwan dahil masyadong siyang nahihiya na magtagal sa harap ng kamera bilang siya.

Sa pelikula ay kailangan lamang niyang mag-focus sa character na ginagampanan niya at tapos na ang trabaho niya. Para sa isang mahiyaing tao, magaling na na-execute ng girlfriend ni Billy Crawford ang kanyang mga love scenes, una with Derek Ramsay sa Friends with Benefits, at ngayon kay Piolo Pascual sa Love Me Tomorrow.

Isipin ninyo, kung hindi siya nahihiya ay baka mas maganda o mas grabe pa ang mga nasabing eksena.

Power Duo nasungkit ang P2-M, kinabog sina Zeus at Dawn

Hindi lamang 11 ang tinalo ng Power Duo sa season 5 ng Pilipinas Got Ta­lent sa interpretative dancing, tinalo rin ng dalawa sina Zeus at Dawn ng PBB ng ngayo’y It’s Showtime sa galing sumayaw.

Dalawang milyong piso ang pinanalunan ng magkapareha na totoong magkarelasyon sa tunay na buhay. 

Marami ang nag-akala na pinakama­ka­tin­d­ig balahibo na ang pagsasayaw ng housemates ng PBB na ang lalaki, si Zeus, ay choreographer/dancer ng grupong #Hashtag at isa na ring recording artist.  

Ang kapareha niyang si Dawn ay nag-aartista na rin at choreograpgher ng isang grupo ng mga kabataang artista na pinasisikat ng Kapamilya network. Meron pa palang tatalo sa kanila, ang Power Duo ng PGT.

Magsisilbi ang Power Duo na pinaka-magandang representative ng PGT dahil sa husay sa pagsasayaw na ipinamalas nila. One hundred percent ang ipinagkaloob na bilang ng boto sa kanila ng mga huradong sina Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin at FMG at pati na rin ng mga nagpadala ng text votes.

Louise grabe ang katakawan

Ang takaw naman pala ni Louise delos Reyes! Nakita ito ng mga manonood ng Idol sa Kusina nina Chef Boy Logro at Bettina Carlos nang mag-guest sila ni Juancho Trivino para sa promosyon ng bagong serye nilang Magkaibang Mundo na kapalit ng Wish I May sa GMA.

Silang dalawa ni Juancho ang unang sinisilbihan ng mga nalulutong putahe pero, kahit nakakain na ang aktres ay panay pa rin ang subo nito ng tinapay. 

Dapat ay mag-ingat na sa pagkain si Louise. Panoorin niya ang naging guesting niya sa ISK at obvious na medyo nasa heavy side siya.

Bakat ang unwanted pounds niya sa suot niyang pantsuit.

Sharon lagare sa mga show ng Kapamilya

Buti na lang at hindi na-over exposed si Sharon Cuneta dahil halos lahat ng highly rated programs ng ABS-CBN ay nag-guest siya para lamang sa promosyon ng The Voice Kids na kung saan siya ang pinakabagong coach. Pinalitan niya si Sarah Geronimo at siyang bagong makakasama nina Lea Salonga at Bamboo. Pero, sa halip na magsawa ang mga manonood sa kanya ay na-enjoy nila ang mga pinasikat niyang awitin na siyang palagi niyang kinakanta.

Everyone is waiting to see her on The Voice Kids. Masasabayan ba niya sina Lea at Bamboo sa pagpili ng mga grand champions? Isa lamang ang sigurado, aalagaan niya ng husto ang sinumang pipili sa kanya bilang mentor. And I’m sure marami sila.

Angel parang makikitaan sa suot na gown

Kahit sino kina Pyra (nag­lalaro ng apoy) at Ody Sto. Domingo (magician) ay hindi tututulan ng manonood ng Pilipinas Got Talent, na manalo rin, ‘yun nga lang tinalo sila ng Power Duo para sa titulong grand champion ng PGT Season 5.

Pinakamagagaling na siguro ang napiling grand finalist ngayong season 5 ng popular na talent search. Kahit pa sabihing napakamapuso ng mga hurado.

But just the same, they were able to come up with a good number of excellent grand finalists.

Ang ganda-ganda ni Angel Locsin bagaman at marami ang kinabahan na baka mag-malfunction ang kanyang gown at lumabas ang dapat hindi makita. Costume naman ang pinagbuhusan ng pansin ng stylist ni Vice Ganda. Napaka-outlan­dish ng kanyang look. Napakaguwapo naman sa kanilang mga suit nina Robin Padilla at FMG.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with