^

PSN Showbiz

Ni-report na sa DOJ at NBI Marian at baby Zia nakatanggap ng death threat sa isang teacher

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang isang basher ni Marian Rivera, isinama sa galit si Baby Zia at ang lakas ng loob na pagbantaang ipapapatay sa kamag-anak niyang NPA ang mag-ina. Tinanong ng DongYan fans kung ano ang kasalanan ni Marian sa kanya at ganu’n kalaki ang galit niya rito na pati anak nila ni Dingdong Dantes ay isinali sa galit?

Lumalabas na si Antoinette Taus ang gusto ng basher para kay Dingdong at dahil hindi ang dalawa ang nagkatuluyan, kay Marian ibinaling ang galit. Hindi ikinatuwa ng DongYan fans ang pagbabanta at paninira ng basher kay Marian lalo at isinali pa si Baby Zia.

Nag-imbestiga sila at nalamang teacher pala ang basher at papalit-palit ng user name. Binantaan din nila ang basher na isusumbong sa NBI at DOJ, kaya biglang bumait at nag-sorry kay Marian at sa DongYan fans. Hindi lang daw niya naunawaan ang mga bagay-bagay at hinusgahan pa niya si Marian.

Nang i-suggest ng DongYan fans na humingi rin siya ng apology kina Marian at Dingdong, hindi raw niya alam kung paano. Tinuruan siyang sa Instagram (IG) ng dalawa idaan ang apology, pero parang walang balak.

At ang latest, binura ng basher ang mga comment niya sa IG ng isang DongYan fans na kung saan, nag-sorry siya at nangakong hindi na uulitin ang ginawa. Nagpalit din ito ng user name at “user not found” na ang status ng iba niyang user name. Kaya ang Dong­Yan fans tuloy ang balak na ireklamo siya sa NBI at may nagreklamo na sa DOJ. Wish din ng DongYan fans na idemanda ni Dingdong ng grave threat at cyber bullying ang basher para maturuan ng leksyon.

Barbie proud sa relasyon kay Kiko

Kung may mga kinikilig sa inamin ni Barbie Forteza na sila na ni Kiko Estrada, may mga nagalit din sa kanyang fans nina Kiko at ex-GF nitong si Kim Rodriguez.

Inakusahan si Barbie na inagaw si Kiko kay Kim na hindi totoo dahil nang ma-interview namin si Kiko, two months na silang break ni Kim nang ligawan si Barbie.

Tinanong pa namin si Kiko kundi ba magagalit si Kim kay Barbie ‘pag nalamang sila na ni Barbie, ang sagot, walang rason na magalit si Kim dahil break na sila at si Kim daw ang nakipag-break sa kanya.

Tinanong pa namin si Kiko kung ano ang mga nagustuhan niya kay Barbie at kanyang minahal? “Masayahin, mabait, maganda at totoong tao si Barbie at hindi mahirap mahalin.”

Natatandaan namin na nag-tweet kami kay Barbie after naming makausap si Kiko at binirong may alam kami sa kanya at binirong may love life na siya. Ang sagot nito ay “dalaga na ako tita Nitz.”

Anyway, supportive GF si Barbie kay Kiko dahil nag-promote ito sa Instagram (IG) account niya ng trailer ng Magpakailanman last Saturday kung saan bida sina Kiko at Gina Alajar. Nag-comment pa si Barbie na seryosong pinaghandaan ni Kiko ang drama anthology at sabi pa “I’m so proud of you. I can’t wait to watch this.”

Kris at Louise hindi nagkrus sa concert na may namatay na lima

Present sa Close Up Forever Summer 2016 sina Kris Bernal at Louise delos Reyes, pero hindi sila ang magkasama. May kanya-kanya silang kasama at sa rami ng tao sa MOA Concert Grounds, hindi siguro sila nagkita.

Nasa event din daw si Mika Reyes at ang ibang Lady Spikers, maraming kabataan na gusto lang mag-enjoy at manood ng concert. Sino ba naman ang mag-aakalang may masamang mangyayari at hahantong sa pagkamatay ng lima sa kanila.

Sa wakas, Mikael nilagyan na ng mukha si Megan

Finally, nag-post na rin si Mikael Daez ng picture nila ng GF na si Megan Young na magkatabi sila, kita ang mukha ni Megan at nakaharap sa camera. Dati, long shot lang ang picture ni Megan na pino-post ni Mikael sa social media at madalas, nakatalikod pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with