^

PSN Showbiz

Jaclyn hinding-hindi makakalimutan ang Cannes!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naiuwi ng Pilipinas ang first Best Actress trophy mula sa ika-69th Can­nes International Film Festival na ginanap sa Cannes. 

Nakuha ng award-winning actress na si Jaclyn Jose (52) ang prestihi­yosong award dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Ma’ Rosa na idinirek ng Best Director ng Cannes In­ternational Film Festival in 2009 para sa pelikulang Kinatay na si Brillante Mendoza

Ito bale ang second time ni Jaclyn sa Cannes International Film Festival dahil kasama rin siya sa pelikulang Serbis in 2008 na idinirek din ni Mendoza.

Hinding-hindi makakalimutan ni Jaclyn ang kanyang Cannes International Film Festival Best Actress trophy at naging expe­rience niya sa nasabing parangal kung saan kasama niya ang kanyang anak na si Andi Eigenmann na gumawa rin ng ingay nang siya’y mapasama sa Vanity Fair’s best dressed celebrities na dumalo sa nasabing filmfest.

Mapapangasawa ni Camille lalayasan na ang America pagkakasal!

Sa buwan ng Enero 2017 nakatakdang ikasal ang nakababatang kapatid ni John Prats na si Camille Prats sa US-based fiancé nitong si VJ Yambao.

Ang maganda nito, sa halip na sa Amerika manirahan ang ikakasal, nag-desisyon na si VJ na sa Pilipinas na sila mag-base at bumuo ng pamilya laluna’t narito ang pamilya at trabaho ni Camille.

Tuwang-tuwa siyempre si Camille sa naging desisyon ng kanyang fiancé dahil maipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho bilang aktres at ang pagpapatakbo ng kanilang family-owned school na Divine Angel Montessori na matatagpu­an sa Village East Executives Homes in Cainta, Rizal kung saan nakatira ang pa­milya Prats.

Ang unang mister ni Camille na si Anthony Linsangan ay sumakabilang-buhay sa edad na 31 noong September 23, 2011.  Naiwan kay Camille ang kanyang 7-year-old son na si Nathaniel Caesar.

Ang ikinatutuwa ni Camille ay ang pagiging extra close ni VJ sa anak niyang si Nathan.

Hindi ikinakaila ng co-host ng Mars na si Camille na humingi siya ng senyales sa kanyang namayapang mister na si Anthony kung si VJ na nga ang kanyang susunod na magiging life partner at magmula noon ay naging smooth-sailing umano ang kanilang relasyon.

Si VJ ay kababata ni Camille.

Bukod kay Heart... Mga ex ni John, single pa rin

Kung excited si Camille Prats at ang pamilya nito sa nalalapit nilang kasal ni VJ Yambao, masaya rin ang Prats family sa bagong karagdagan sa kanilang pamilya sa paglabas ng kauna-unahang baby ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli na si Lilly Feather last April 18.

Si John ay panganay sa kanilang limang magkakapatid. Ang apat pa niyang mga kapatid ay sina Camille, Naomi, Carlo at Raffy.

Bago naging misis si Isabel, na-link din noon si John kina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Rachelle Ann Go at Bianca Manalo.  Sa apat, si Heart pa lamang ang may asawa, si Sen. Chiz Escudero habang si Bianca naman ay may bagong nobyo ngayon, ang Brazilian-Japanese model-actor-enterpreneur na si Fabio Ide habang nanatiling single and loveless hanggang ngayon sina Shaina at Rachelle Ann.

Kaye Abad ikakasal bago matapos ang taon

Masayang-masaya si Camille Prats na engaged to be married na ang kanyang kaibigan na si Kaye Abad sa ex-PBB housemate, actor-businessman na si Paul Jake Castillo.

Naniniwala si Camille na baka mauna pang ika­sal sa kanya si Kaye na malamang mangyari bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Alam ni Camille na matagal na ring pangarap ni Kaye na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Bago si Paul Jake, na-link noon si Kaye kina John Lloyd Cruz at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with