^

PSN Showbiz

Komedyante siniraan sa entablado ang kaibigan dahil sa pera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pahinga na ang mga pulitiko ngayon. May mga nagtagumpay, may mga hindi pinalad, meron ding mga nagrereklamo dahil dinaya raw sila.

Pero ang mga kuwento ay hindi nagsisimula at natatapos sa paganu’n lang, ang nakaraang eleksiyon ay nag-iwan din ng sama ng loob sa mga pulitiko, sangkot sa istorya ang mga personalidad na sumuporta sa iba-ibang partido.

Nangunguna sa listahan ang isang aktor-ko­medyante na sumuporta sa mga kalaban ng mga taong malapit sa kanilang pamilya. Napakahaba ng pinagsamahan ng mga personalidad na bumibida sa kuwentong ito.

Kuwento ng aming source, “Masamang-masama ang loob ni ____(pangalan ng isang actor-politician na may hawak na mataas na posisyon) kay ____(pa­ngalan ng komedyante).

“Wala kasi siyang pasintabi, lalong walang respeto, alam niya naman na napakalapit ng father niya sa pamilya ng kinalaban niya, pero nanakit pa siya.

“Okey lang naman ikampanya niya ang kalaban ng mga taong malapit sa family niya, pero ang maglitanya pa siya ng mga paninira sa entablado, e, napakawalang respeto nga naman ng taong ‘yun!

“Wala siyang pagpapahalaga sa pinagsamahan, naki­nabang din siya sa friendship na meron ang pamilya niya sa mga kandidatong siniraan niya, walang pakundangan ang taong ‘yun!” kuwento ng aming kausap.

May kuwentong kumalat na napilitan lang daw ang komedyante na kalabanin pati ang mga kaibigan ng kanilang pamilya dahil sa kakapusan. Spell M ang komedyante, matindi ang kanyang pangangailangan, kaya kumapit na kuno siya sa patalim.

Hindi ‘yun katanggap-tanggap sa mga kasamahan niyang artista, kawalan ng importansiya sa pinagsamahan at pagkakaibigan ang ginawa niya, ang prinsipyo kuno ng komedyante ay nasa talampakan niya.

Ubos!

Nora hindi na kinikilala ng mga anak at kamag-anak!

Wala ang mga anak ni Nora Aunor nang bigyan siya ng sorpresang birthday party ng kanyang mga tagahanga. Wala rin sa selebrasyon ang kanyang mga kamag-anak.

Hindi inaasahan ng marami ang pagdalo sa party nina Ian de Leon, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. Kahit ang presensiya ng mag-iinang Lala Aunor, Marion at Ashley ay hindi rin dapat asahan.

Malalim ang problema ng mag-iina, nu’ng huli naming makakuwentuhan si Ian ay pilit nitong ini­iwa­­san ang paksa kapag ang Superstar na ang itinatanong sa kanya, marespeto pa rin sa kanyang ina ang aktor.

Si Lotlot naman ay pahapyaw nang naglabas ng kanyang emosyon sa social media pagkatapos sumbatan ni Nora ang kanyang mga anak, hindi man lang daw dalawin ng magkakapatid ang kanilang Tito Buboy (Eddie Villamayor, bunsong kapatid ng Superstar na matagal nang nasa ospital), malaki raw ang nagawa nito sa kanilang lahat.

Nang magbalik sa bansa si Nora ay napa­kalaki ng itinulong sa kanya ni Maribel Aunor, lahat-lahat ng suporta ay ginawa sa kanya ni Lala, pero sa bandang huli ay ito pa ang naging masama.

Pumanaw si Mamay Belen, ang ina ni Lala na nagpasimula sa singing career ng Superstar, pero hindi man lang sumilip sa la­may si Nora. May malaking puwang sa pa­gitan ng aktres at ng kanyang mga anak at maging ng kanyang mga kamag-anak.

At kapag ganu’n ang sitwasyon, ang mahahalagang araw ay pansamantalang nakakalimutan, hindi dapat naghahanap ang may pagkukulang.

Komunikasyon ang kulang na kulang kay Nora at sa kanyang mga anak. Nand’yan lang ang mga anak niya, handang makipagkita sa kanya, pero may magsasalubong ba sa gitna kung sumusulong ang iba at umuurong naman ang gusto nilang makita?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with