^

PSN Showbiz

Mga apat na oras na lang kung umiyak Angelica halos masiraan ng bait sa hiwalayan nila ni John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mga apat na oras na lang kung umiyak Angelica halos masiraan ng bait sa hiwalayan nila ni John Lloyd

Sa Gandang Gabi Vice noong Linggo ay may mga naging rebelasyon si Angelica Panganiban tungkol sa naging relasyon nila ng dating kasintahan na si John Lloyd Cruz.

Tumagal ng apat na taon ang relasyon ng dalawa at ayon kay Angelica ay hindi pa siya masyadong nakaka-move on mula dito. “Ako nga hindi pa nakaka-move on. Konti na lang, malapit na. No, slight na lang, kasi mga four hours na akong hindi umiiyak. Ito ‘yung pinakamatagal ko kaya iba ‘yung look ko ngayon. Minsan kasi e sikat ka di ba, ang daming billboard, kaya ‘pag nakita ko, ano ba ‘yan, maiiyak na naman ako, gano’n. Lesson learned talaga, huwag sikat,” natatawang pahayag ni Angelica na patungkol kay John Lloyd.

Maraming mga bagay daw ang natutunan ng dalaga mula nang magkahiwalay sila ni John Lloyd. “Pinakamagandang natutunan ko dito ay maging positive ka lang. Siguro walang bitterness, wala akong ill feelings sa kahit na sino,” giit ng aktres.

Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sina Angelica at John Lloyd kaya maayos naman ang lahat sa pagitan nila. “Kasi ‘di ba hindi n’yo na na-save ang relationship n’yo as a couple, why not i-save ang relationship n’yo bilang magkaibigan?” giit pa ng dalaga.

May mga oras na tinitingnan pa rin ni Angelica ang mga larawan nila ni John Lloyd. Sinubukan din daw ng aktres na iwasang puntahan ang mga lugar na napuntahan na nila ni John Lloyd noong magkasintahan pa sila. “Noong una hindi talaga. Kasi nag-Bali ako tapos may stop over sa Hong Kong. Paglabas ko pa lang bigla akong parang nilamon ako, umiiyak talaga akong mag-isa. Tapos natatawa ako, tapos umiiyak ako habang naglalakad. Tapos umupo na ako, tapos tumatawa na ako. Sabi ko grabe, para akong tanga, tama na, tama na,” kwento ni Angelica. “Pero may nagsabi sa akin na dapat daw dahan-dahan puntahan ko ‘yung mga ‘yon. Kasi kung hindi wala akong mapupuntahan, kawawa naman ako. Muntik na akong lumipat ng network, pero sabi ko nga dahil may respect ako sa ABS-CBN, hindi na lang ako lilipat, magre-retire na lang ako,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay aksidente pang nagkita sa Hong Kong sina Angelica at John Lloyd. “Sabi kasi ng kaibigan ko, halika na mag-Hong Kong na tayo no’ng Holy Week. Sabi ko sige na nga, tapos pagpunta ko, nando’n sila. Nagkita naman kami, kasi nga tina-try naman namin ‘yung best namin na maging magkaibigan naman kami. Ang sakit nga ng panga ko, parang buong gabi masakit ‘yung panga mo, na pinipigilan mong maiyak tapos tatawa ka,” pagbabahagi ng aktres.

Hanggang ngayon ay nagpapalitan pa rin ng text messages at muli nang nakapagkita ang dalawa. “Hindi naman madalas. Baka kung ano ang isipin ng mga tao. Hindi naman kami siyempre naglalandian sa text. Nagkita lang, get together lang. mahirap minsan magkamustahan lang sa phone ‘di ba? Minsan parang pwede rin naman kayo magkita,” pagtatapat ni Angelica.

Si John Lloyd lamang daw ang naging kaibigan ng aktres sa lahat ng kanyang mga naging kasintahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with