^

PSN Showbiz

Julia Barretto nawalan na ng ningning! Para raw kapamilya ng mga Marcos, Kris second home na ang Hawaii?; TF tatapyasan mga artista umaangal sa 12-hour work

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Maligaya ang haters at bashers ni Kris Aquino dahil aalis siya ngayon sa Pilipinas para sa dalawang buwan na bakasyon nila ng kanyang mga anak sa ibang bansa.

SCENE: Favorite vacation place ni Kris Aquino ang Hawaii, ang huling bansa na pinuntahan niya. Ang Hawaii ang naging “second home” ng mga Marcos nang umalis sila sa Pilipinas noong February 1986 dahil sa People Power Revolution.

SEEN: Sisimulan na ng mga television network ang pagpapatupad sa 12-hour work para sa television at film production. May mga artista na umaangal dahil babawasan ang talent fee nila kapag na-late sila ng pagdating sa set.

SCENE: Wala nang “ningning” si Julia Barretto nang magpakita siya sa Miting de Avance ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Luneta Park noong Sabado.

SEEN: Nag-lip sync si Nora Aunor nang kumanta siya sa Miting de Avance ng Partido Galing at Puso sa Plaza Miranda noong Sabado. Na-miss ng Plaza Miranda ang golden voice ni Nora na matagal na hindi narinig.

SCENE: Ang payo ni Maricel Soriano sa mga botante na ipagdasal at hingin ang tulong ng Panginoon sa pagpili ng mga karapat-dapat na iboto bilang pangulo at bise-presidente ng Pilipinas

SEEN: Tanggap ni Heart Evangelista, kung anuman ang magiging resulta ng vice presidential candidacy ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero. Hindi nag-iilusyon si Heart na maging second lady ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with