^

PSN Showbiz

Sharon gusto pang pumayat nang husto

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

“It nice to be home,” pahayag ng Megastar na si Sharon Cuneta matapos itong muling pumirma ng two-year exclusive contract with ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 25 taon.

Pagkatapos ng kanyang contract-signing with ABS-CBN big bosses last Thursday lunch ay tumuloy na siya sa presscon bilang isa sa tatlong hosts ng The Voice Kids at kapalit ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na nag-desisyon na iwa­nan ang show. Makakasama na siya nina Broadway Diva Lea Salonga and rock icon Bamboo.

Kung matatandaan pa, tatlong taong kumalas si Sharon sa Kapamilya Network nang siya’y lumipat sa TV5 a few years back.

“There’s no place like home,” bulalas niya.

Huling napanood si Sharon sa second season ng Your Face Sounds Familiar bilang isang hurado rin kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela.

Bukod sa Your Face Sounds Familiar ay naging judge na rin si Sharon ng Star Power also on ABS-CBN.

Masaya rin nitong ibinalita ang nalalapit niyang paggawa ng pelikula na nakatakda niyang simulan sa buwan ng Agosto. Kaya ga­no­on na lamang ang ginagawa niyang pagda-diet at pagpapayat dahil gusto niyang ibalik ang kanyang katawan sa leading lady sta­tus. Hindi pa rin allowed si Shawie na i-share sa entertainment press kung sino ang kan­yang makakapareha. But she’s over excited sa kan­yang next movie project under Star Cinema na hinu­hulaan namin na baka isa kina Gabby Concepcion, Robin Padilla, at Richard Gomez.

May gagawin din umano siyang indie movie pagkatapos ng kanyang Star Cinema project. Dahil sa ganda umano ng material at kakaiba, willing to cut down her talent fee.

Heart titigil na sa showbiz ’pag nagkaanak

Kahit may pagka-naughty ang tema ng bagong TV series nina Heart Evangelista at Dennis Trillo, ang Juan Happy Love Story na nagre-re­quire ng mga sexy and kissing scenes, walang prob­lema sa mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero at nauunawaan ang trabaho ng kanyang misis. Pero kapag may baby na sila ni Heart ay mababago umano ang lahat dahil pansamantalang titigil si Heart sa kanyang showbiz career.

Sinabi ng vice-presidentiable na si Sen. Chiz Escudero na bago pa man niya pinakasalan si Heart ay kilalang-kilala na umano niya ang background nito. Nagkataon naman na crush na noon pa mang 2007 ni Heart ang batang senador.

Ang presidentiable na si Sen. Miriam Santiago ang naging tulay ng mag-asawa kung paano sila nagkalapit.

Since busy pa sa kampanya ang mag-asawang Sen. Chiz at Heart ay hindi pa umano nila napapanood nang buo ang Juan Happy Love Story pero napanood na ng mister ni Heart ang teaser ng TV series.  Kapag may mga kissing scenes na ginagawa si Heart ay tinatakpan daw nito ang mga mata ng kanyang mister na si Sen. Chiz.

Masuwerte si Heart na hindi selosong tao ang kanyang napangasawa at naiintindihan nito ang kanyang trabaho bilang isang artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with