^

PSN Showbiz

ABS-CBN napuruhan, lumabag daw sa broadcasting code!­

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakakatuwang ma­no­od ng isang political rally na walang siraan. Wala kang naririnig sa mga tumatakbong kandidato na sinisiraan ang mga kalaban.

Wala kaming naririnig sa mister ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero na tumitira sa kalaban niyang Vice Pre­sidentiables o kalaban ng kanyang partido.            

Sabi nga niya, sa elek­­syon ngayon, sa ha­lip na ka­­away, mga kaibi­gan daw ang na-gain niya.

Isa nga ito sa isinusulong ng partido nila ni Sen. Grace Poe, ang malinis na panga­ngam­panya.

“Hindi mo naman ka­ila­ngang apakan ang ibang tao para umangat ka,” saad ni Sen. Escudero.

PAK: Nasa CamSur ka­mi nang dumating si Pres. Noynoy Aquino, at nasa hotel na tinutuluyan din namin sila tumuloy. Kaya mahigpit ang security at hirap gumalaw sa lobby dahil sa rami ng security at mga leaders at supporters na nakabantay doon.

Namataan naming binati ng isang supporter ni P-Noy ang aktor na doon din sa hotel tumuloy. Binig­yan niya ng Mar-Leni T-shirt ang aktor at sinabing isuot daw ito.

Tumanggi ang aktor at sinabi niyang hinubad nga raw niya ang baller band na may tatak na Duterte dahil nahihiya siyang baka makita pa ito ni P-Noy pagbaba niya. Kaya huwag na raw siyang pa­suotin ng T-shirt nila, dahil hindi naman nila kan­didato ang kanyang su­suportahan.

May ilang celebrities ding tumutuloy doon na hindi umiwas na makita sila sa lobby at baka nandun pa raw ang ilan nilang kaibigan na ibang kandidato ang sinusuportahan.

BOOM: Marami ring celebrities ang nag-react sa huling political ad na naglalabas ng kasiraan ni Mayor Digong Duterte.

Ilan sa mga vocal na supporters ni Duterte gaya nina Aiza Seguerra at partner nitong si Liza Diño, si Oyo Sotto at kahit ang ilang Kapamilya talents gaya nina Karen Davila at Lea Salonga.

Hindi pa namin napanood sa mga TV network ang naturang ad. Ang ABS-CBN 2 kasi ang tinira nang husto sa pag-ere ng naturang ad. Pero ang sabi naman nila, naglabas din naman daw ang ibang TV network nito.

Pero ayon sa ilang nagkokomento tungkol dito, lumalabag daw ang TV network na ito sa Broadcas­ting code.

Ayon sa Broadcasting Code Article 8 Section 2 (From R.A. 9006 or Fair Election Act); Political Pro­paganda; “No program or sponsor shall be allowed to manifestly favor or oppose any candidate or political party.”

Matindi ang reaksyon ng ilan dahil mga bata pa ang ginamit sa naturang ad na naninira sa isang presidentiable.

Mukhang lalong nakuha pa tuloy ni Duterte ang sim­patiya dahil sa sunud-sunod na paninira sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with