^

PSN Showbiz

Miting de avance ng lahat ng mga kandidato star studded!, Sa sobrang kangaragan, Jennylyn hitsurang may sakit na sa pelikula

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ngayong hapon, 5 p.m. ang star-studded Miting de Avance ng Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero sa Plaza Miranda, Quiapo. Nasa partido nina Poe at Escudero sina Isko Moreno, Edu Manzano at Tito Sotto.

SCENE: Binulabog kagabi nina James Reid at Nadine Lustre ang Alabang Town Center dahil ito ang venue ng mall show nila para sa kanilang blockbuster movie na This Time.

SEEN: Halata na may sakit at matamlay si Jennylyn Mercado sa ibang mga eksena niya sa Just The 3 of Us ng Star Cinema.

SCENE: Walang emosyon at hindi pantay ang mga kilay ni Ma. Isabel Lopez sa mga eksena nito sa Just The 3 of Us kaya pinaghihinalaan na “botoxed beauty” siya.

SEEN: Ang Luneta Park ang venue ng Miting de Avance ngayon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

SCENE: Alas-singko ng hapon ang imbitasyon sa Miting de Avance ngayon ni Vice President Jojo Binay sa Makati City.

SEEN: Ang sagad na pagbanat kay Korina Sanchez dahil sa tanong nito kung liwanag ba o dilim ang pipiliin ng mga botante. Kung naging maingat si Korina sa pagpili ng mga salita na bibitawan, hindi siya mapagdidiskitahan ng galit ng kanyang mga kababayan.

SCENE: Magaganap ngayong hapon, 5 p.m., sa Quezon City Memorial Circle ang Miting de Avance nina Mar Roxas at Leni Robredo.

SEEN: Bugbog-sarado ang ABS-CBN dahil sa pagpapalabas nila ng anti-Duterte ad campaign. Selective ang galit ng mga tao dahil ipinalabas din sa ibang mga television station ang anti-Duterte ad campaign na binayaran ni Senator Antonio Trillanes IV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with