^

PSN Showbiz

Nagbabalitang personalidad gusto nang kumawala sa batugang mister

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masarap na patikim:

Isang araw ay huwag na tayong magugulat kung mabalitaan nating dumulog na sa korte ang isang kilalang female personality para ihain ang pagpapawalang-bisa sa kasal nila ng isang businessman.

Naturingang negosyante, pero ang babae naman ang nagtatrabaho para sa kanilang ikinabubuhay, kaya dumating na nga siguro sa sukdulan ang female personality para tapusin na ang kanilang relasyon.

Kapag nagkataon, siya ang magiging sentrong balita, hindi siya ang magbabalita.

Kayod kalabaw na nga para sa pamilya, female personality ninanakawan pa ng sariling ina

Nakakaawa rin ang sitwasyon ng isang female personality na ilang dekada nang nagpapakamatay sa pagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Hindi maramot ang aktres, hindi niya sinosolo lang ang mga biyaya, malaki ang pakinabang sa kanya ng lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.

Pero sa kabila nu’n ay masama ang loob ng aktres, marami man siyang pera ay hindi kumpleto ang kanyang kaligayahan, dahil parang ginagawa na lang siyang palabigasan ng mga taong ayaw nang magsikilos at umaasa na lang ng biyaya mula sa kanya.

Sabi ng isang kaibigan ng aktres, “Puro tamad sila, mga patabaing baboy, kalalaki ng katawan nila, pero palagi na lang silang umaasa kay ____(pangalan ng makapamilyang aktres).

“Ano ba namang tulungan naman nila ‘yung tao? Wala na nga silang naitutulong, pero puro pa sila pabigat! Ang unang-unang guilty d’yan, e, ang mommy niya na maporma at mabisyo pa!

“Kapag wala na siyang pambisyo, e, ninanakawan pa niya ang anak niyang parang kalabaw na nga kung magtrabaho para sa kanila! Kilalang-kilala silang mag-ina sa mga bahay-sanglaan.

“Ang nanay ang tagasangla, ang anak naman ang tagatubos! Nakakaawa ang babaeng ‘yun, dumudugo na nga ang ilong niya sa kakakayod, pero puro problema pa ang hatid sa kanya ng mga taong walang pakinabang!” inis na sabi ng aming source.

Ubos!

Sen. Grace hindi nakipagsabayan sa giyera, kalma hanggang sa katapusan ng kampanya!

Huling araw na ngayon ng kampanya. Bukas ay ceasefire na ang lahat ng mga kandidato dahil ‘yun ang isinasaad sa batas. Pahinga na sila sa kampanya dahil sa Lunes ay eleksiyon na.

Marami nang paru-parong lumilipad-lipad ngayon sa dibdib ng mga pulitiko lalo na ang mga nag-aagawan ng upuan sa matataas na posisyon. Lahat ng santo ay tinatawagan na nila ngayon para bigyan sila ng oportunidad na manalo.

Sabi naman ng kaibigan naming nakaabang na sa magiging resulta ng labanan, “Para na silang pusang hindi maihi ngayon dahil sa sobrang nerbiyos. Malaki ang ihian pero hindi nila magawa, nadadaig sila ng tensiyon.”

Hanggang sa mga huling sultada ng labanan ay kitang-kita ang pagiging cool lang ni Senadora Grace Poe, naggigiyera na sa kanyang paligid, pero prim and proper pa rin ang kanyang dating.

Bagay na bagay talaga para sa kanya ang paglalarawang grace under pressure. Pumipitik din siya at sumasagot sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya pero ibang-iba talagang umatake ang isang taong edukado at marespeto.

Kaya naman sa isang ginawang survey ay siya ang nanguna sa tanong kung sino sa limang nag-aagawan ng upuan sa Palasyo ang sa kanilang palagay ay makatutulong sa mga pagbabagong inaasahan ng ating mga kababayan.

Pakomedya, pero may kabuluhan ang mensaheng binitiwan ng kaibigan naming propesor, “Boses pa lang ni SGP, ulam na!”

Iba talagang bumiyahe ang sinseridad sa mga tagapanood-tagapakinig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with