^

PSN Showbiz

Resulta ng pelikula nina John Lloyd at Jennylyn 50% daw ang padding; Sikat na sexy actress 500k na ang TF sa pagpi-PR!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations kina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa successful first day box-office results ng pelikula nilang Just The 3 of Us.

Ayon sa press release ng Star Cinema, naka-16 million pesos daw ang first day nito na tiyak na 50% padding pa ‘yan, malakas pa rin.

Maganda ang feedback ng ilang nakausap naming nakapanood ng pelikula. Malakas daw ang dating sa mga manonood at mukhang lalakas pa ito sa mga susunod na araw.

 PAK: True kaya ang tsismis na nakarating sa aming tumatanggap pa rin daw ng PR job ang baguhang sexy actress sa halagang 500 thousand pesos?

Ang PR na sinasabi ng mga malisyosang source namin ay sumasama sa mayayamang kliyente ng dinner lang, parang date-date lang, at kung maganda naman ang usapan at kung type ng mayamang kliyente si girl at okay lang sa huli, puwedeng mas higit pa roon ang serbisyong ibibigay niya.  Noon daw, okay na raw sa kanya ang 50 kyaw dahil hindi pa naman siya gaanong kilala.

Pero ngayong lumalabas na siya sa TV at lalong sumeksi at mukhang gumaganda ang showbiz career, biglang shoot up sa 500 thousand na raw ang presyo?

Mukhang presyong ayaw na ito dahil siyempre nakikilala na siya, pero kung may pumatol, tatanggi pa raw ba siya?

BOOM: Nakakaaliw ang pagpatol ng ilang mga kilalang celebrities sa mga basher, at doon mo nakitaan kung gaano sila ka-witty sumagot sa mga namba-bash sa kanila.

Winner ang ipinost ni Regine Velasquez na kung saan nag-snapchat siyang binura ang ilong nito. Naka-hashtag pang #RegineRetokada at sinagot niya ang isang voice over na nagtatanong kung totoong nagpagawa ba ito ng ilong. Sinagot niyang “You are so right!’” Tinanggal na raw niya para wala nang tsismis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with