^

PSN Showbiz

Dingdong laging may paalala sa pagho-host ni Yan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maganda ang naging feedback sa pagsisimula ng Yan Ang Morning kahapon. Trending ang pilot episode ng pinakabagong show ng Primetime Queen na si Marian Rivera na aminadong malaking challenge para sa kanya ang maghost ng sarili niyang talk show dahil first time niya itong gagawin.

Todo-suporta rin ang kanyang mister na si Dingdong sa kanyang pagsabak sa hosting. “Just be yourself” ang naging payo sa kanya nito.

Ikinatuwa ng kanyang fans na maraming segments ang YAM katulad ng Luto ni Yan, Do-it-Yan at marami pang iba.

Hindi kasi nag-memorize ng script Derrick Monasterio nakatikim ng bagsik ni Direk Laurice 

Inamin ng GMA Artist Center star na si Derrick Monasterio na minsan na siyang nakatikim ng galit mula sa batikang director na si Laurice Guillen. Ito ay naganap sa set ng kanilang afternoon prime series na Hanggang Makita Kang Muli.

Ayon kay Derrick, hindi siya nakapaghanda sa kanilang eksena kaya naman hindi na siya nagtakang makakagalitan siya ni Direk. “Hindi ko kasi nabasa yung script nung one time, eh. Parang dinaanan ko lang ‘yung part ko. Tapos, bumaba siya at nagalit. Natakot ako pero may natutunan naman po akong lesson, siyempre.”

Andrea Brillantes MYX celebrity VJ ngayong May

Isa sa mga talented na batang aktres sa showbiz ang mapapanood sa top music channel ng bansa ngayong buwan ng Mayo! Samahan si Andrea Brillantes sa kanyang pagho-host bilang MYX Celebrity VJ ngayong buwan.

Halatang hilig ng teen actress ang musika tulad ng passion niya sa pag-arte at ito nga ay kitang-kita sa kanyang nakakatuwang Musical.ly videos na kumakalat sa internet. Ang Musical.ly ay isang mobile app kung saan maaring makagawa ng music video gamit ang mga paborito mong awitin at mukhang nae-enjoy ni Andrea ang paggamit ng nasabing app sa pag-perform ng mga rap songs. Kaya naman para sa buwan ng Mayo, ang dating Annaliza star na si Andrea ang magiging MYX Celebrity VJ na magdadagdag ng walang tigil na kulitan at kasiyahan sa paghatid ng mga top hits at music videos.??

Samahan si Andrea sa Pop MYX mula May 1-7, Mellow MYX mula May 8-14, Pinoy MYX mula May 15-21, at My MYX mula May 22-28. Huwag palampasin ang pagho-host ni Andrea sa numero unong music channel na mapapanood sa Skycable Channel 23. Para sa karagdagang update, mag log on sa www.myxph.com, at i-follow ang MYX sa Instagram (@myxph) at Twitter (@myxphilippines).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with