^

PSN Showbiz

Jodi excited pagsabayin sina Richard at Ian!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang pelikula sina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Richard Yap. 

Si Antoinette Jada­one ang direktor ng proyektong gagawin ng Star Cinema. “Tina-tackle dito ‘yung tingin ng mga Pinoy sa isang 30-year old na babae na kapag single siya, may mali sa kanya. Kapag single ka ng ganoong age, para ka nang may sakit na nakakahawa na dapat agapan. ‘Yung buong movie ipi-present niya ‘yung dalawang lalaki equally para maranasan ng audience ‘yung dilemma ni Chinggay (karakter ni Jodi) na hindi talaga siya makapili. Kasi parehong okay ‘yung lalaki at pareho ring may limitasyon,” pagbabahagi ni direk Antoinette.

Matatandaang pumatok sa mga manonood ang tambalan nina Jodi at Richard sa teleseryeng Be Careful With My Heart at ang tambalan ng aktres at Ian sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. “I’m really very excited to be working with both of them. I respect them both and I appreciate them both,” nakangiting pahayag ni Jodi. “I’m really excited to be part of this. Kasi alam ko na madaming sumusubaybay sa love team ni Richard at Jodi, at mayroon din kaming mga followers from Pangako Sa ‘Yo. So I think hindi sila madi-disappoint,” pahayag naman ni Ian.

Bukas na sisimulan ang shooting ng pelikula pero wala pang detalye kung kailan ito ipalalabas sa mga sinehan.

Paulo pabor sa bagong lovelife ni KC

Inamin ni Ritz Azul na matagal na niyang crush si Paulo Avelino. Makakasama ng dalawa si Ejay Falcon sa teleseryeng The Promise of Forever. “Nasabi ko po ‘yon, nasabi ko na gusto ko ring makatrabaho si Coco Martin, nakatrabaho ko na rin po siya (sa Ang Probinsyano). Doon sa crush, alam natin na award-winning sila, magagaling. So hinahangaan ko sila sa ganoong bagay,” paliwanag ni Ritz. 

Masayang-masaya ang aktres dahil kahit kalilipat pa lamang nito sa Kapamilya network at magagandang proyekto na kaagad ang naibigay sa kanya. “Pressured ako na mapatunayan ko sa sarili ko. Working with them, mababait naman sila. Wala naman akong masasabi. Sa tingin ko mas magiging magaan ang trabaho ko with them,” dagdag ng sexy actress.

Binigyan naman ng payo ni Paulo si Ritz upang maging maayos ang kanilang trabaho. “Just be yourself. Paniwalaan mo ang kaya mong gawin at huwag kang ma-pressure sa mga bagay na di naman dapat,” payo ni Paulo sa aktres. 

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Paulo tungkol sa pagkakamabutihan diumano nina KC Concepcion at football player na si Aly Borromeo ngayon. Matatandaang naugnay din si Paulo at KC ilang buwan na ang nakalilipas. “Well, she deserves to date someone else and be happy. Everyone deserves to be happy. Everyone deserves to maybe find what they are looking for,” makahulugang pahayag ni Paulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with