^

PSN Showbiz

Zsa Zsa walang regret sa naging kapalaran

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko na sasabihin kung sino ang source ko pero sure ako na walang regrets si Zsa Zsa Padilla sa pakikipagrelasyon niya  kay Architect Conrad Onglao na humantong din sa hiwalayan.

Knowing Zsa Zsa, mabilis siya na makakapag-move on at makaka-recover mula sa nangyari sa love affair nila ni Conrad. Si Zsa Zsa pa?

Isa ako sa mga unang nakaalam ng plano nina Zsa Zsa at Conrad na magpakasal sa  Italy  pero hindi ko ibinalita dahil in confidence ang kuwentuhan namin noon.

Fifty one years-old si ZsaZsa, bata pa, maganda at mabait. Tiyak na darating din ang araw na makahahanap siya ng mhin na tunay na magmamahal sa kanya.

Showdown nina Alma at Isko, luma na

Luma na pala ang viral video na nagsasayaw si Manila City Vice Mayor Isko Moreno at kuha ito sa campaign rally nila ni Mayor Joseph Estrada noong 2013.

Napanood ni Papa Isko ang funny video na edited dahil pinalabas na nagpapaligsahan sila ni Alma Moreno sa pagsasayaw pero nangyari ‘yon sa magkahiwalay na lugar at magkaiba na panahon.

Kumakandidatong senador si Papa Isko sa ilalim ng Partido Galing at Puso. Sa latest survey, number 14 si Papa Isko sa senatorial survey at dalawang tumbling na lang, pasok siya sa Magic 12.

Siyempre, kasama si Papa Isko sa mga senatoriable na iboboto ko dahil bukod sa kasamahan ko siya sa showbiz, naniniwala ako sa mga plataporma niya na malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bayan natin.

Self-made man si Papa Isko. Sino ang mag-aakala na magiging public servant ang isang dating basurero at sidecar boy?

Marunong tumanaw ng utang na loob si Papa Isko dahil hindi niya nakakalimutan na kung ano siya ngayon, malaki ang tulong at kinalaman ng showbiz.

Kung hindi raw siya  naging artista, hindi matutupad ang kanyang mga pangarap na makapaglingkod sa bayan at makatapos ng pag-aaral.

Realistic na tao si Papa Isko. Tatanggapin niya ang  magiging resulta ng eleksyon sa darating na Lunes. Kung hindi raw siya papalarin na mag-win, magtuturo si Papa Isko para ma-share niya sa mga kabataan ang kanyang mga kaalaman.

Ganyan katindi ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Papa Isko sa mga kabataan na future leaders ng ating bansa.

JaDine nire-request sa MMFF

Congrats sa Viva Films dahil sa good reviews at mga positive feedback sa This Time, ang pelikula na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang This Time kaya lalong nagkaroon ng interes ang madlang-bayan na panoorin ang pinipilahan na James-Nadine movie.

Marami sa mga kakilala ko ang gustong manood ng This Time na inaasahan na lalong pipilahan sa long weekend dahil walang pasok sa Lunes.

Satisfied na satisfied naman ang mga tumangkilik sa premiere night ng This Time dahil bukod sa maganda ang pelikula, kinilig sila sa romantic scenes nina James  at Nadine.

Na-feel daw nila ang sobrang pagmamahal nina James at Nadine sa isa’t isa dahil bigay na bigay sila sa kanilang mga kissing scene.

Once again, hindi raw sila binigo ng JaDine loveteam kaya plano  ng die hard fans na muling panoorin ang This Time dahil sulit na sulit ang ginastos nila sa panonood ng sine.

May request nga pala ang mga tagahanga nina James at Nadine na mag-produce ang Viva Films ng pelikula na pagbibidahan ng JaDine at isasali sa Metro Manila Film Festival sa December 2016.

Type ng fans na magkaroon ng sequel ang blockbuster movie na Humanap Ka Ng Panget o another romantic movie na kasing-ganda ng This Time.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with