^

PSN Showbiz

Zsa Zsa hanggang live in lang ang kapalaran!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na hindi umabot sa kasalan ang relasyon ni Zsa Zsa Padilla at arkitekto niyang dyowa. Wala naman silang problema living together, tila wala namang tumututol sa kanilang arrangement, pero kung paaabutin pa nila sa legal na aspeto ang kanilang relasyon ay baka nga naman may pumiyok. Madaragdagan nga naman ang claimant sa would be properties ng groom.

Ito marahil ang sagwil sa paglagay sa tahimik nina Zsa Zsa at Conrad Onglao.

Hindi naman ito problema sa relasyon nila, pero siyempre expected ang kasalan sa panig ng babae kaya meron pa ring umaasam.

Angel ayaw palitan sa Darna?!

Ang dami tuloy ang sumasabit sa pilian sa pag-ayaw ni Angel Locsin sa Darna. Kung dati ay nasali sa pilian ang mahiyaing si Sarah Gero­nimo pati na rin sina Jessy Mendiola, Nadine Lustre at iba pa, ngayon ay naririnig na rin ang pangalan nina Arci Muñoz at Ritz Azul. Pareho kasing na-recruit na rin ng ABS-CBN ang dalawang prinsesa ng TV5. Mabuti na lamang at hindi pa bumibitaw ng Kapatid Network ang nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis SmIth kung hindi, baka siya rin ay makasama sa pilian.

Hindi pa rin nawawala sa pagpipilian si Angel na kahit malaking balakid sa kanya ang kanyang sakit sa likod, strongest contender pa rin siya sa role.

Obvious naman na sold sa kanya ang direktor ng Darna na si Erik Matti at wala itong choice para may ipalit kay Angel.

Willie naunahan pang magpalipad nina  Ian at Raymart

Mas nauna pang matutong magpalipad ng eroplano sina Ian Veneracion at Raymart Santiago kaysa kay Willie Revillame na nauna nang magkaroon ng ganitong sasak­yan. I’m sure nakauna na ang host ng Wowowin na mamasyal sa papawirin na dalawang linggo palang mamamahinga.

Sasamantalahin na rin ito ni Willie para magampa­nan ang kanyang gawain para sa kanyang kalusugan.

Salpukan ngayon na!

Talagang hindi na nagbigayan ang Just The 3 Of Us movie nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz at This Time. Tapat na talaga ang playdate nila pati ang premiere night ay hindi na rin iniwas ng isa’t isa. Buti na lang at magkaiba ang venue nila, kung hindi malamang nagkapatayan sila.

Eh, ang dami-dami pa naman ng JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre. Sino kaya ang maaapektuhan ng labis sa pagtatapat?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with