^

PSN Showbiz

Lumayas na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Puring-puri ng netizens ang closeness ng mga anak ni Vic Sotto.

Nu’ng kamakalawa lang ay tumulong si Oyo­boy Sotto sa pangangampanya sa kapatid niyang si Vico Sotto na tumatakbong konsehal ng Pasig.

All out din ang suporta sa kanya ni Bossing Vic na talagang sinasamahan ang anak sa pagha-house to house. Kaya ganun din ang suporta ng mga kapatid nito sa kanya.

Kaya naman pinupuri ang magandang samahan nilang magkakapatid. Lalo raw silang na­ging close ngayon, dahil panay ang bonding nilang pa­milya. Ang latest nga ay nu’ng nakaraang birthday ni Bossing Vic na magkakasama silang nagbakasyon sa JPark Waterpark sa Cebu.

Kahit si Pauleen Luna ay panay din ang panga­ngampanya kay Vico sa kanyang Instagram account.

PAK: Nag-react ang ilan sa malalapit sa pa­mil­ya Revilla sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang (IG) account na nagpapasalamat sa dalawang kapatid ni Sen.Bong Revilla na sina Rowena Mendiola na konsehal sa Bacoor at kay Bacoor Mayor Strike Revilla dahil sa hospitality na ibinigay sa kanila.

Nangampanya roon si Kris kasama ang Vice Pre­sidentiable Leni Robredo, at nag-courtesy call pala sila sa tanggapan ni Mayor Strike. Siyempre, kahit nasa ibang partido sila, hinarap naman daw sila ni Mayor Strike kasama si Konsehal Rowena.

Nalilito lang ang ilang supporters ng pamilya Revilla dahil ang pagkakaalam nila, suportado ng mga ito ang partido ni Sen. Grace Poe, at hindi ang partido ni Sec.Mar Roxas.

Nagpasalamat lang naman daw si Kris dahil sa hinarap sila sa courtesy call, pero hindi ibig sabihin nasa partido na rin nila si Mayor Strike.

BOOM: As of presstime, wala pa ring ibinigay ang kampo ni ZsaZsa Padilla kaugnay sa isyung pakikipaghiwalay sa kasintahan niyang si Architect Conrad Onglao.

Nalaman lang daw ito sa renewal of vows nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil nandun si Conrad at wala si ZsaZsa. Tinanong daw nila kung nasaan ito at sabi ay nasa taping ang singer/actress. Nalaman naman ng mga taga-ABS-CBNna walang taping nu’ng araw na iyon ang singer/actress.

Iyon pala, nag-iimpake na si ZsaZsa nu’ng araw na iyon at bumalik na sa dating tahanan nila ni Dolphy sa Marina.

Wala pa silang sinasabing dahilan ng paghihiwalay, pero ayon sa kampo ni ZsaZsa ay isa sa mga araw na ito’y magsasalita siya.

Ang sabi lang daw ni ZsaZsa, “We tried, it didn’t work.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with