^

PSN Showbiz

Guwapong aktor bumagsak na ang katawan sa kaelyahan ng aktres na ka-live in

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan isang gabi ng mga taga-showbiz ang kuwento tungkol sa isang bagong magkarelasyong artista. Bago pa lang ang kanilang tagong relasyon, iilang buwan pa lang, pero palagi na nilang ninanamnam ang pagbiyahe sa langit-langitan ng kaligayahan.

Hindi sila nagli-live-in, pero tuwing nag-iinit ang libido ng guwapong aktor ay malaya siyang nakapupunta sa tinitirhan ng babae, du’n nagaganap ang matinding lambingan na walang mga camerang nakatutok sa kanila.

Ayon sa kuwento ay deadma lang ang babae nu’n sa guwapong aktor. Deadma lang ito kapag nagkikita sila, parang walang kainte-interes ang girl sa boy, pero isang araw ay meron itong natuklasan.

Kuwento ng aming source, “’Di ba, bumida ang boy sa isang sex video? ‘Di ba, maraming nakapanood nu’n ang nagsabing he’s so blessed? ‘Di ba, kinilig ang mga beki sa napakalaking sandata ng boy?

“Sabi siguro ng girl, bakit ang hindi, let me try siguro ang naglaro sa utak niya! ‘Yun na ‘yun! Nu’ng mapabalitang taga-Dakota Harrison pala at hindi nakatira sa may Duty Free ang boy, naloka-loka na ang girl!

“Bigla na siyang naging curious. At kapag nagkikita sila, ang girl na ang nagbibigay ng sign na type niya ang guy. Agad-agad? Nang dahil lang sa sex video?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay magkarelasyon na sila, nahahalata ng kanyang mga kaibigan na nahuhulog na ang katawan ng guwapong aktor, dahil balitang sobrang init ng libido ng girl na palagi niyang kasama ngayon.

Pagtatapos na komento ng aming source, “Ang sabi ng iba, e, balewala raw ang size kapag mahal mo ang isang tao. Hindi totoo ‘yun! Mahalaga ‘yun para sa girl, meron, meron, meron!”

Ubos!

Kris napuruhan nang husto

Ilang tulog at gising na lang at eleksiyon na. Linggo nang gabi, ilang oras bago magbukas ang polling places, ay para nang mga pusang hindi maihi ang mga pulitikong nakikipag-agawan ng posisyon sa ating pamahalaan.

Sa darating na Miyerkules, humigit-kumulang, ay meron na tayong ideya kung sino ang mapalad na nagwagi sa matindihang labanan sa panguluhan at iba pang matataas na puwesto sa ating gobyerno.

Taas-noo ang kampo ng magwawagi, kung paanong nakayuko naman ang kampo ng mga nabali ang pakpak, isa lang ang puwedeng manalo at uuwing luhaan ang mga hindi pinalad.

Maingay ang balwarte ni Mayor Digong Duterte ngayon, maiinit sila, palaban ang kanilang postura. Tahimik lang ang mga maka-Senadora Grace Poe, pero kipkip nila ang pag-asang babae uli ang mamumuno sa ating bayan

kung paanong umaasa rin ang mga maka-VP Binay, maka-Secretary Mar Roxas at maka-Senadora Miriam Santiago na ang kanilang minamanok ang magtataas ng kamay.

At hindi lang ang mga pulitiko ang nagpipingkian ngayon, pati ang kanilang mga tagasuporta ay nagbabangayan din, puro personal na upak ang mababasa sa social media sa pagbabatuhan ng mga tagatangkilik ng mga pulitiko.

Si Kris Aquino ang pinakasugatan sa kanilang lahat, tatlong linggo na siyang inuupakan mula sa kanyang anit hanggang sa paa ng mga kalaban ng Liberal Party, siya ang napuruhan nang husto sa halalang ito.

Nakalilimot ang marami nating kababayang namemersonal ng mga hindi nila kakampi. Nakakalimutan nila ng pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9 ay Pilipino pa rin tayong lahat na walang ibang minimithi kundi ang pagsulong ng ating bayan.

Iisa lang ang pangarap ng bawat Pilipino ngayon. Iupo ang karapat-dapat, ihalal ang alam nating makapagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bayan, iupo sa Palasyo ang pulitikong hindi mauulingan ang kamay sa pagkurakot ng pera mula sa kaban ng bayan nating mahal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with