^

PSN Showbiz

‘We tried. It didn’t work out’ kasal hindi na tuloy Zsa Zsa at architect na si Conrad Onglao, walang forever!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Plano ni Senatoriable Isko Moreno na magturo para maibahagi niya sa mga estudyante ang kanyang kaalaman sa public service kung sakali na hindi siya palarin na manalo sa May 9 elections.

SCENE: Walang kinalaman ang eleksyon sa May 9 sa showing ng My Candidate sa May 11ang romantic comedy movie na tinatampukan nina Derek Ramsay, Iza Calzado, at Shaina Magdayao.

SEEN: Sina John Lloyd Cruz at Angelica Pa­nganiban ang common denominator nina Derek Ramsay at Shaina Magdayao. Ex-girlfriend ni Derek si Angelica at ex-boyfriend ni Shaina si John Lloyd. Hiwalay na rin sina John Lloyd at Angelica.

SCENE: Ang brilliant claim ng alleged basher ni Melai Cantiveros na na-hacked ang kanyang Facebook account at hindi siya ang nag-post ng comment na ma-rape sana ang anak ng comedienne. Gustong makausap si Melai ng alleged basher na natakot sa kanyang banta na demanda.

SEEN: Hindi ikinagulat ng Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao observers na hiwalay na ang dalawa. Sa umpisa pa lang ng kanilang relasyon, hinulaan agad na hindi magtatagal ang love affair nila.

Kinumpirma naman ni Karylle na split na nga ang kanyang ina sa arkitekto at umalis na ng bahay nito (Conrad). “Siguro (I guess) it’s very sad kasi she’s called off the engagement. She’s back home.”

Ang tanging nasabi lang ni Zsa Zsa ay, “We tried. It didn’t work out.”

SCENE: Dinumog ng fans ang red carpet premiere kagabi ng This Time sa SM Megamall Cinema. Pinatunayan nina James Reid at Nadine Lustre na ang JaDine ang number one love­team ngayon.

SEEN: Kinilig, nagpalakpakan, at nagtilian dahil sa tuwa ang This Time audience sa romantic scenes nina Jame Reid at Nadine Lustre

SCENE: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang This Time dahil sa pulido na pagkakakagawa sa romantic movie nina James Reid at Nadine Lustre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with