^

PSN Showbiz

Audition pa more Sam hindi pa suko sa Hollywood dream!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw alam ni Sam Milby kung ano na ang tatakbuhin ng kanilang teleserye na Written in Our Stars. Kasamahan ng aktor sa nasabing proyekto sina Toni Gonzaga, Jolina Magda­ngal, at Piolo Pascual.

Kamakailan ay nag-anunsyo na si Toni tungkol sa kanyang pagbubuntis kaya posibleng ito rin ang dahilan nang pagkakatigil ng kanilang taping. “Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano’ng mangyayari but for now dahil buntis siya, hindi matutuloy. Hindi ko alam kung maghihintay kasi matagal pa ‘yan. Baka next year pa so we’re still waiting kung anong mangyayari,” pahayag ni Sam.

Ang pagkakaalam ng aktor ay ngayong taon ipalalabas ang kanilang bagong serye lalo pa’t marami na raw silang mga nakunang eksena. “Marami kaming na-shoot. Marami talaga. I was really excited about that project. Maganda ‘yung kwento, maganda ‘yung cast. Kakaiba rin ‘yung character para sa akin and I was really excited for that,” pagbabahagi ng binata.

Ayon pa kay Sam ay ilang buwan na ang nakalilipas mula nang napatigil ang kanilang taping. “I think last January pa. It’s been a long time. Hindi ko alam kung on hold pero sana matuloy pa rin. Maganda talaga ‘yung kwento,” dagdag pa niya.

Samantala, nagpaplano raw muli si Sam na mag-audition sa ibang bansa pagkatapos ng teleseryeng Doble Kara. “Actually that’s still in my plans naman pero siyempre ang dami ring blessings dito. May movie rin na gagawin within this year. But next year kung may time, kahit para sa experience lang ng auditioning. Kasi may management ako do’n na nagme-message sa akin, nag-e-mail pa rin sa akin about auditions and kung pwedeng mag-send ng videos,” pagtatapos ni Sam.

Hindi pa rin handa Jericho at Kim marami pang gustong gawin, hindi pa pinaplanong mag-anak

Mahigit dalawang taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones. Hanggang ngayon ay wala pa raw plano na magkaroon ng anak ang mag-asawa. “Hindi pa, wala, hindi pa kaya eh, sa schedule lang. And saka ‘yung pangarap, marami pa kaming gustong gawin. Dati sinabi namin two years ‘di ba? Tapos na ‘yung two years eh baka another two years. We’ll see,” bungad ni Jericho.

Parehong abala ang mag-asawa sa kanya-kanyang trabaho kaya nami-miss raw ng aktor si Kim lalo pa’t madalas na nasa ibang bansa ang TV host-mo­del. “Kasi lagi kaming bumibiyahe nang hiwalay. ‘Yung trabaho niya siyem­pre kailangan nasa ibang bansa. Ako rin siyempre busy sa b­usiness dito sa Manila pero okay ‘pag nagkikita ka­ming dalawa, rock and roll,” nakangi­ting pahayag ni Jericho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with