^

PSN Showbiz

Janine at Aljur may bawal na pag-iibigan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula ang kwento na pumapatak ang ashfall habang nakahandusay ang duguan at bugbog-sarado na si Edgar (Aljur Abrenica). Kaharap ni Edgar si Lukas (Phytos Ramirez) na may hawak ng malaking bato. Kakawala si Reign (Janine Gutierrez) mula kay Jason at yayakapin si Edgar. Masasabi pa ni Edgar na iligtas ni Reign ang sarili niya pero ayaw iwanan ni Reign si Edgar. Hanggang sa mapaghiwalay nina Lukas at Jason ang dalawa.

Magtatagpo sina Reign at Edgar sa isang burol kung saan may puno na nakaukit ang kanilang mga pangalan. Isang red heart-shaped bread ang ireregalo ni Edgar kay Reign na sobrang matutuwa at hahalikan pa ang binata.

Hindi maitago ni Lukas kay Jason ang galit niya dahil hindi siya sinipot ni Reign sa kanilang usapan. Mapagbubuntungan pa ni Lukas si Jason nang itulak niya ito palabas at iharurot ang kanyang kotse.

Itatanggi ni Reign kay Violeta na may boyfriend na siya.  Malulungkot pa si Reign nang ipaalala sa kanya ni Violeta kung sino ang gusto ng kanyang ama para maging kasintahan.

Itatanggi rin ni Edgar kay Cecilia (Irma Adlawan) na may nililigawan siya.  Tatalakan siya ni Cecilia at ipapamukha sa kanya na hindi pa siya pwedeng mag-asawa hangga’t hindi pa nakapagtatapos ng pag-aaral ang kanyang kapatid na si Carol.

Birthday party ni Reign at dito ia-announce ni Ricardo (Christopher de Leon) na napagkasunduan nila ni Vener na ipakasal ang kanilang mga anak.  Matutuwa si Lukas pero mangingilid ang luha ni Reign sa sobrang pagkadismaya.

Made-depress si Edgar nang ibalita sa kanya ni Benny na ikakasal si Reign kay Lukas. Lalo pang mawawalan ng pag-asa si Edgar nang sabihan siya ng tatay niyang si Romulo (Bembol Roco) na ang mahirap ay para sa mahirap lamang.

Masasampal ni Reign si Lukas nang bastusin siya nito. Laking-gulat naman ni Reign na gantihan din siya ng sampal ni Lukas. Si Reign ang mag-uudyok kay Edgar na magtanan sila para hindi matuloy ang kasal niya kay Lukas.

Ilan lamang ‘yan sa maiinit na eksenang magaganap sa Once Again pagkatapos ng Poor Señorita sa GMA Telebabad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with