^

PSN Showbiz

Pinagsawaan na Kris biglang nawalan ng mga kakampi!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bakit ba galit na galit ang madlang pipol kay Kris Aquino? At sa malas ay ipinagbubunyi pa nila ang banta ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa presidential sister at sa mga anak nito. Parang over na at nagbibigay na ng malaking alalahanin hindi lamang kay Kris kundi maging sa buo niyang pamilya ang tila nagkakaisang pahayag ng madlang pipol tungkol sa balak na pangi­ngidnap sa kanya.

Matagal nang alam ang damdaming ito ng sambayanan, pero mas lalong naramdaman na hindi ganun ka­suportado ng publiko si Kris nang salu­ngatin nila ang pahayag ni P-Noy na may karapatan ang kanyang kapatid sa paggamit ng mga bagay na nagagamit ng pangulo ng bansa. Lalong nagmamarka ito sa pagbubulgar ng pangulo sa balak ng teroristang grupo sa kanyang kapatid at mga anak nito. Tsk. Tsk.Tsk.

May pera nga si Kris, pero kung hindi naman niya ito mai-enjoy para saan pa at nagkapera siya? At ano ba ang kasalanan niya sa samba­yanang Pilipino para hangarin nilang matuloy ang masamang banta ng mga bandido laban sa kanya? May gusto bang ipaabot sa kanya ang mga kababayan natin?

Sikat na aktor aprub ang pag-sleep over sa bahay ng ka-loveteam

Pinag-usapan na at ginawa pang pahulaan ng isang programa sa radyo ang pagpa­yag ng ina ng isang sikat na aktor na pag-sleep over ng sikat niyang anak sa house ng katambal nitong babae.

Nasa edad na pareho ang loveteam kaya approved na ang kanilang ginagawa na nagbibigay ng alalahanin sa fans nila na itinutu­ring pa ring kabataan at nangangailangan ng patnubay ang dalawa ng mga nakatatanda. 

Mga anak baka lalong magdusa

Sunshine dapat munang kumpirmahin ang mga pasabog kay Cesar

Kung anumang pasabog meron si Sunshine Cruz laban sa ama ng kanyang mga anak na si Cesar Montano ay pag-isipan muna sana niya bago ito ilabas. Sa puntong ito ng kanilang paghihiwalay ay tanggap na ng folllowers nila na hindi na sila magkakasama pang muli.

Wala nang dahilan para maglabas pa ng mga kapintasan na ang magdurusa ay ang kanliang mga anak.

Tama na, tapusin na ‘yan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with