^

PSN Showbiz

Heart at Marian hinihiritang magsama sa show

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Todo na ang panga­ngam­panya ng mga dating miyembro ng That’s Entertain­ment para sa kasamahan nilang si Isko Moreno.

Isa si Glydel Mercado  sa pinakamasipag dahil naging close ito kay Isko noon pa man.

Masipag si Glydel sa pag-post sa social media account niya ng mga poster ni Isko. Maging ang parlor niya at tapsilogan sa Maynila ay pinuno niya ng poster at tarpaulin ni Isko Moreno Domagoso.

Sabi ni Glydel, kung buhay lang daw si Kuya Germs, tiyak na pakikiusapan nito ang lahat na produkto ng That’s Entertainment na suportahan ang dating Vice Mayor ng Maynila.

Malaking karangalan daw siyempre na umabot na sa senado ang isang produkto ng That’s Entertainment.

PAK: Maganda ang feedback sa pilot episode ng Yan ang Morning! ni Marian Rivera na nagsimula na kahapon ng umaga.

Bumaha ng regalo para sa audience na talagang binusog ni Marian. Kaya na­man positobo ang dating nito sa karamihan.

Para mas positive, baka dapat ituloy na ang guesting ni Heart Evangelista sa naturang show para matapos na ang isyu nilang dalawa.

Tinanong namin si Heart kung okay lang sa kanya na mag-promote ng bagong dra­ma series niyang Juan Happy Love Story, at okay lang daw ito sa kanya. Okay naman daw siya anytime na mag-guest kay Marian o magsama sila sa isang show.

Kung makakapag-promote si Heart sa Yan ang Morning! ni Marian, hindi lang kami sure kung kasama si Dennis Trillo.

BOOM: Isa si Robin Padilla sa maagang duma­ting sa BPI Julia Vargas branch kung saan nagharap sina Sen. Antonio Trillanes at representative ni Mayor Rodrigo Duterte na si Atty. Sal Panelo para pabuksan ang bank account ni Mayor Digong.

Siya ang unang pinagkaguluhan ng media na maagang nag-abang sa naturang bangko. Kaagad nag-post si Robin sa kanyang Instagram account ng façade ng BPI at nilagay niya sa location ng Casa Hacienda Tejeros Convention.                  

May selfie rin ang action star kasama ang mga pulis, bomb squad at guards na nakabantay doon.

May isa ring post si Robin ng litrato ni Sen. Trillanes na itinabi sa litrato ni Daniel Tirona.

Nasa Philippine History si Tirona na leader ng Magdalo ng mga Katipuneros at sa Magdiwang naman si Bonifacio. Muntik nang mabaril ni Bonifacio si Tirona nang kontrahin nito ang pagkakapili sa kanya bilang Director of the Interior. Ayaw daw ni Tirona na mapili si Bonifacio sa ganung puwesto dahil hindi ito tapos ng abogasiya.

Kung kay Tirona inihambing ni Robin si Trillanes dahil nasa Magdalo group ito, obviously kay Bonifacio naman niya inihahalintulad si Digong na sinusuportahan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with