^

PSN Showbiz

Bossing iba ang naramdaman nung birthday

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Very memorable kay Vic Sotto ang kanyang 62nd birthday last April 28 dahil ito ang kanyang kaarawan na may bago siyang misis, ang aktres na si Pauleen Luna.

Days before Bossing’s 62nd birthday ay nag-out of town na sila ni Pauleen.

Ibang-iba ang pakiramdam at aura nga­yon ni Bossing magmula nang ito’y mag-asa­wang muli. Sa loob kasi ng 24 na taon ay nasanay nang umuwi at matulog si Bossing na mag-isa sa kanyang kuwarto.

Natutuwa rin si Bossing na kasundo ni Pauleen ang kanyang apat na anak na sina Danica, Oyo, Vico, at Paulina at maging ang kanyang mga apo.

Patricia laging sinusunod ng mister

Since dito na sa Pilipinas naka-base sina Patricia Javier at Robert Walcher, nagtayo ang mister ni Patricia ng kanyang chiropractic clinic na matatagpuan sa No. 47-B Scout Rallos St., Quezon City. Si Patricia naman ay abala sa kanyang showbiz career at pagbebenta ng kanyang sariling brand ng mga beauty and health products, ang Patricia Javier Beauty & Health Secret Organic Extra Coconut Oil.

Bilib kami kay Patricia na na-convince ang kanyang mister na sa Pilipinas sila mag-relocate matapos ang kanilang paninirahan sa San Diego, California sa loob ng 13 taon.

Very supportive si Rob sa pagbabalik-showbiz ni Patricia.

Mother Lily excited maging lola

Kapag nagkaanak na ang paboritong apo ng Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde na si Keith sa misis nitong si Winni Wang, magiging apo na niya ito sa tuhod.

Very proud lola si Mother Lily sa kanyang apong si Keith (anak ni Roselle Monteverde) dahil nagtapos itong cum laude sa Boston University ng abogasya and took his Master of Studies in Law sa University of California, Hastings College of the Law.

Nang magdesisyon si Keith na magpakasal sa kasintahang si Winni na ginanap sa Punta Bunga Beach ng Shangri-La’s Boracay, Mother Lily made sure na isa itong kakaiba at bonggang kasalan na nangyari noong November 15, 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with