^

PSN Showbiz

Kaya laging nakaprotekta si Enrique, Liza aminadong madalas madakma sa boobs

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging matagumpay ang simula ng Dolce Amore Destiny Tour na ginanap sa Luneta Park noong Linggo. Pinangunahan ito ng mga bida ng serye na sina Liza Soberano at Enrique Gil kaya masayang-masaya ang mga tagahangang dumalo sa event. “Natutuwa po kami kasi ibig sabihin lahat ‘yon fans ng Dolce Amore at saka talagang nanonood. It feels really good na maraming sumusuporta po sa show namin. Kasi siyempre gabi-gabi po pinaghihirapan po naming pagandahin ‘yung show for them. We’re just happy that all the hard work pays off,” nakangiting pahayag ni Liza.

“Maraming-maraming salamat po. Ito po ‘yung first leg namin of the Destiny Tour,” dagdag naman ni Enrique.

Samantala, noong isang linggo ay naging kontrobersyal ang larawan nina Liza at Enrique sa social media na nabigyan diumano ng malisya ng online bashers. Ang nasabing larawan ay kuha noong Kapamilya station ID shoot kung saan makikitang pinoprotektahan ng aktor ang dibdib ng dalaga mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Dahil dito ay naakusahan si Enrique na sinamantala raw ang pagkakataon upang mahawakan ang maselang bahagi ng katawan ni Liza. “He was just protecting me from people grabbing. Meron ding photo from the other angle showing the truth behind it. Kasi whenever we go on tours or something, when there’s a lot of people, they tend to grab me in my chest area. He was just covering me from them. Sabi pa nila, nakasimangot ako kasi hinawakan niya ako, tapos tuwang-tuwa pa siya,” paglilinaw ni Liza.

John at Isabel susunud-sunurin ang paggawa ng tatlong anak

Masayang-masaya si John Prats sa pagkakaroon ng anak. Kamakailan ay nanganak na ang asawang si Isabel Oli at pinangalanan ng Feather ang kanilang panganay. “Sobrang gusto ko na everyday just to be with her. 80% ang sabi, ako (ang kamukha) pero kasi sa stage naman na ito nagtsi-change pa ‘yung hitsura niya. Hindi ko ma-explain kung ano ‘yung happiness. Kasi I was there no’ng nanganganak ‘yung misis ko so iba ‘yung experience. Mamahalin mo lalo ‘yung asawa mo, ‘yung journey niya simula day one na buntis siya, ibang journey,” pagbabahagi ni John.

Halos hindi pa raw makapaniwala ang aktor sa lahat ng kanyang mga nasasaksihan bilang ama. Natututo na rin si John kung paano alagaan ang kanilang anak. “I tape everyday for Ang Probinsyano and uuwi ako ng mga 2 a.m. kasi night shift ako. So siyempre ‘yung wife ko nagre-recover pa lang siya and ako ‘yung nagkakarga pero siyempre ‘yung breastfeeding, ang hirap no’ng una kasi hindi mo alam kung bakit siya umiiyak, natatakot ako hindi ko alam eh. It’s either change diapers or gutom. Ngayon alam ko na kung ano ‘yung timpla, so medyo relaxed na kaming mag-asawa ngayon,” kwento ng aktor.

Samantala, hindi pa raw magbabalik sa pag-aartista ni Isabel at ang plano nila ngayon ay sundan na kaagad si Baby Feather. “Siguro ‘pag ready na gawa na kami ulit. Kasi gusto naming sunod-sunod na para tatlong sunod-sunod and then okay na. After ng 3 kids, ‘yun ‘yung mind set niya eh. Baby making muna kami ngayon. I’m 32 and Liv (tawag ni John kay Isabel) is 34 so siguro it’s about time na sunud-sunurin na namin. Parang we don’t have that privilege na maghintay pa ng another year,” paliwanag ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with