^

PSN Showbiz

TV host-comedienne mukha pa raw mangkukulam, anak ni Melai winish ng maka-Duterte na ma-rape raw sana

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Below the belt na ang patutsadahan sa social media ng mga supporter ng iba’t ibang kandidato para sa nalalapit na election.

At ang isa sa mga nabiktima ay si Melai Cantiveros. Ayon sa isang netizen, mukhang pera raw si Melai at sana raw ma-rape ang anak niyang dalawang taong gulang pa lang. Dagdag pa ng basher na umano’y supporter ni Davao Mayor Rodrigo Duterte, ang panget naman ng comedian/TV host dahil mukha itong mangkukulam at inulit na mukhang pera.

Kaya naman sumagot si Melai at sinabing idedemanda niya ang nasabing babae.

Pinagbibintangan kasing tumanggap ng malaking ba­yad si Melai mula sa kampo ni Presidentiable Mar Roxas kaya niya ito kinakampanya.

 “Lalaban ako dahil hindi na tama ang punto mo. Pati anak kong baby na babae idadamay mo!?” sagot ni Melai sa kanyang Instagram account. “Para maka-file ng kaso sa kanyang pagbabanta at pangbu-bully na ito, di na normal ginagawa n’ya, at mananawagan ako sa DSWD at Bantay Bata sa pwedeng aksyon nila sa babaeng walang puso na ito,” dagdag ni Melai.

Speaking of Melai, kasama siya sa pinakabagong morning show with two other momshies sa umaga na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal-Escueta sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Hitik ito sa impormasyon, aral, at aliw kaya naman top trending topic din araw-araw sa social media.

“Sobrang saya namin na trending kami lagi at madaming natutuwa sa amin. At least nae-enjoy nila ang aming show. Iyon naman ang gusto namin, ang mag-enjoy sila, maka-relate sila at makapulot sila ng aral,” sabi ni Melai.

Mas dumadami na umano ang tumututok dito nationwide kaya nakaabante na sa rating ayon sa Kantar Media.

Umani rin ng papuri sa ilang entertainment press ang husay sa pag-host nina Karla, Melai, at Jolina na first time nagkaroon ng sarili nilang morning talk show. Kapansin-pansin ang magandang chemistry nila dala na rin ng pagiging real-life close friends nila.

“Yung chemistry kasi hindi nawo-workshop ‘yun kaya importante sa amin ‘yung tatlo. Magkakaibigan din kasi kami talaga kaya kusang lumalabas,” pagbabahagi ni Karla na parang lalong lumulusog sa show dahil may mga pagkain sila palagi.

“Iyon naman ang isa sa ipinagmamalaki namin bago pa ang show ang genuine na talaga ng pagsasama namin. Hindi na namin kailangan mag-team building pa. Kaya naman sobrang gamay na namin agad ang isa’t isa,” paliwanag naman ni Jolina.

Tinatalakay sa Magandang Buhay ang iba’t ibang  usapang pamilya at kwento ng mga ordinaryong  indibidwal maging ng celebrities para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood at mahimok itong ipagdiwang at ipagpasalamat ano man ang mayroon  sila sa buhay.

Mapapanood ang Magandang Buhay, Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng umaga sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Mga kapatid ng aktor, naka-graduate sa pag-TNT!

Buti naman at hindi na pala TNT sa ibang bansa ang mga kapatid ng isang actor. Kuwento kasi noon ng source, tago nang tago ang mga kapatid ng actor sa isang bansa sa Amerika. Pero sa awa naman daw ng Diyos, hindi nahuli ang mga ito at naging maayos naman ang lahat. Ngayon daw ay nasa bansa ang mga kapatid ng actor at may kanya-kanyang kabuhayan na. Pero may natira sa abroad pero maayos na raw ang mga papeles nito.

Saka wala na raw rason talagang gawin ito ng mga utol ng actor dahil sobrang yaman na rin naman niya (actor) dahil sa rami na rin ng mga raket niya.

Noon daw kasi, hindi pa nararamdaman ng kanyang pamilya ang ginhawa dahil hindi pa kalakihan ang TF ni aktor.        

Bernadette, Alvin, at Jing, naka-12 years sa ‘pagdo-doktor’

Isa sa mga pinakamatagal na current affairs show sa bansa ang Salamat Dok! sa ABS-CBN. Nakaka-12 years na pala sila.

Umeere tuwing Sabado at Linggo ng umaga sa Kapamilya Network, tampok sa programa ang mga segment na may dalang aral at bagong tuklas na kaalaman tungkol sa kalusugan. Pero bukod dito, libu-libo na rin ang naabot at naserbisyuhan ng programa sa pama­magitan ng kanilang weekly medical mission, at sa mga special medical mission sa mga barangay sa loob at labas ng Metro Manila.

Kaya naman nagpapasalamat ang hosts ng programa na sina Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, at Jing Castañeda na maging parte ng award-winning show na lampas na sa isang dekada.

Sabi pa ni Bernadette, sa pagiging host ng programa naipaalala sa kanya ang kahalagahan ng kalusugan. Minsan nang pinag-usapan sa isang episode nila ang karamdamang Bell’s Palsy, kung saan kanyang na-realize na ang sintomas ng naturang sakit ay nagpapakita na pala sa kanya. Dahil dito, naging mas pursigido si Bernadette na magkaroon ng isang healthy lifestyle dahil personal niya na itong naranasan.

 “Ang daming natututunan (sa palabas). Hindi lang ang mga viewers ang natututo, kundi kami ring mga host. Not a lot of Filipinos have resources to get to doctors. The show is empowering our kababayans who will not bother to visit the doctors unless it’s really, really life-changing, (the show) makes them take care of themselves better,” kwento niya.

Si Alvin naman, hindi makalimutan ang naging karanasan kasama ang Salamat Dok!  team sa Visayas pagkatapos ng bagyong Yolanda.

 “We stayed there for more than a week and as other journalists would say, we were shocked by the degree of destructions in the provinces we visited. Giving them food and medicines was one of best thing I’ve ever done in my life.  It feels good to serve our Kapamilyas,” pagmamalaki niya.

Para naman kay Jing Castañeda, tuwang-tuwa siya sa kanyang role sa programa, lalo na’t siya’y isang ina na pamilyado. Kuwento niya sa isang segment sa programa na Ano’ng Ulam, mas naturuan niya ang kanyang mga anak na kumain ng mas masusustansiyang pagkain. “Minsan nag-uuwi ako ng mga niluluto namin, talagang nagugustuhan nila. Mas pinipili pa nila ang gulay kaysa karne,” aniya.

Ang iba pang kaabang-abang na segment sa Salamat Dok! tulad ng Pasyal, kung saan binibisita nila ang ilang mga lugar kung saan pwede mag-relax ang buong pamilya, Food Trip, kung saan naman iba’t ibang kainan ang kanilang masugid na hinahanap para sa pagkaing masustansya, at ang Cure Mula sa Nature, kung saan naman nagkakaroon sila ng diskusyon sa panggagamot gamit ang iba’t ibang halaman. Meron ding Doctor is Out, kung saan ang mga doktor ng programa ang pumupunta sa bahay ng pasyente upang bigyang lunas ang kanyang karamdaman.

Noong nakaraang April 3, ang mga doktor kasama ang buong team ng Salamat Dok! ay tumulak sa isang malaking medical mission sa Candaba, Pampanga kung saan iba’t ibang serbisyo ang kanilang hinandog sa mga taong tinamaan ng El Niño. Tila sila na mismo ang nagdala ng ospital sa Candaba sa pamimigay nila ng libreng medical tests, minor surgeries, at libreng gamot. Ang ilang buntis ay nabigyan din ng pagkakataong makuha ang isang serbisyo na mga may-kaya lang ang nakakaranas tulad ng 5D ultrasound equipment kung saan mas klaro nilang makikita ang hitsura ng kanilang anak sa sinapupunan.

Anyway, ang Salamat Dok! ay mapapanood sa ABS-CBN, ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) tuwing Sabado at Linggo.                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with