^

PSN Showbiz

Janine kampante kay Aljur hawak ng maimpluwensyang tao, baguhang sexy actress naka-Ferrari nang dumating sa taping

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Susubukan ang bagong tandem ng mestiza na si Janine Gutierrez at kayumangging makisig na si Aljur Abrenica sa Once Again na magsisimula na sa GMA Telebabad mamayang gabi.

Nakita namin ang kakaibang magic sa tandem nila nang mag-guest sila sa Sunday PinaSaya kahapon.

Isang makahulugang ngiti lang ang sagot ni Janine nang tanu­ngin namin kung meron bang magseselos sa mga intimate scenes nila ni Aljur. Si Aljur naman ay  sure na sure na wala raw dahil single na single siya.

Kampante naman daw si Janine kay Aljur dahil napaka-gentleman nito at maingat siya lalo na sa mga kissing scenes nila.

PAK: Nagulat ang mga co-stars ng baguhang sexy star nang dumating ito sa taping na naka-Ferrari.

Hindi naman daw nakilalang anak-mayaman itong baguhang sexy-star tapos Ferrari talaga ang service niya sa taping!

Kinalkal ng mga kati-katerang co-stars kung saan nanggaling ang sasakyan ng baguhang sexy star. May mga sources silang nagkuwentong may isang mayaman at influential person na major sponsor daw ang sexy star. Sobrang tahimik lang daw ang baguhang sexy star, pero naniniwala silang may mayamang sponsor siya, kaya ingat na ingat ito at  hindi pumapatol sa ilang co-actors na naglalandi sa kanya.

Takot din ang ibang aktor na naglalandi sa kanya nang malaman nilang hawak ito ng isang mayaman at influential na tao.

BOOM: Tila palaban ngayon si Cesar Montano sa mga nangba-bash sa kanya nang i-post nito sa kanyang Instagram account ang mga tse­keng ibinayad niya sa tuition fee ng tatlong anak niya kay Sunshine Cruz na sina Angelina, Samantha, at Francesca.

Bahagi ng caption sa post ni Cesar, “I have to do this but after learning that some people get wrong info, oops got to do it now.

“Please bear with me guys. It has been my passion giving my kids good education from day one.”

Ipinarating din niya sa anak niyang si Diego Loyzaga na dapat na tapusin din nito ang pag-aaral habang nandiyan siya na kaya niyang tustusan.

Sabi pa niya  kay Diego, “You can do both, pag-aartista and school. There’s no substitute for education.”

May ilang bashers na pinatulan si Cesar na nagkomento kung bakit itinag pa raw nito ang ilang reporters. Sinagot ito ni Cesar.

Aniya, “Yaann eto na, lumabas na mga tinamaan ng magaling! Sge banat! Ano pa? Ahhh ayaw nyo ng reporter. Sandali lang…Sunset ikaw ba yan? Miss mo na ba’ko? Miss na rin kita. Lol!”

Hindi pa natapos dun si Cesar. Ipinost niya uli at itinag sa dalawang bashers na tila alam kung sino ang nagmamay-ari ng account na iyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with