^

PSN Showbiz

Mga kaibigan sunud-sunod ang kasal, Anne hindi kaya napi-pressure?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang celebrity weddings na magaganap this year matapos ang January 30, 2016 grand wedding nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Last April 30 ay ikinasal si Georgina Wilson sa kanyang foreigner fiancé sa London na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends. Susunod namang ikakasal ang engaged couple na sina Solenn Heussaff at Argentinian fiancé na si Nico Bolzico na gaganapin sa Chateau de Combourge in Brittany, France na susundan ng ka­nilang Manila church wedding in June sa San­tua­rio de San Antonio Parish, sa Forbes Park, Makati City. Malamang this year na rin ikasal ang isa pa nilang close friend na si Isabelle Daza sa kanyang French fiancé na si Adrien Semblat. Sina Isabelle at Georgina ay first cousins.

Tiyak na hindi mawawala sa magkakahiwalay na weddings nina Georgina, Solenn, at Isabelle ang kanilang close friends na sina Anne Curtis at Raymond Gutierrez.

Hinihintay na rin ang marriage proposal ng nob­yo ni Anne na si Erwan Heussaff, ang nakaba­batang kapatid ni Solenn.

Hindi rin magpapahuli sa mga celebrity weddings this year ang unica hija ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo na si Cristalle Hena­res na engaged to be married na rin sa kanyang Australian hotelier finance na si Justin Pitt (pang-Hollywood ang name) na nakatakdang ganapin sa Villa Erba in Italy. Isa itong 19th century villa na siyang dream wedding venue ni Cristalle.

Since very special kay Dra. Belo ang anak na si Cristalle, she will make sure na super special din ang magaganap na kasalan sa Italy with the respective families ng ikakasal at  select friends in attendance.

Sa Italy din ikakasal ang dating Seiko Films sexy star na si Francine Prieto sa kanyang American molecular biologist fiancé na si Frank Shotkoski na gaganapin September 21 with a belated wedding reception sa The Beech along Panay Avenue in Quezon City.

Inamin ni Francine na kahit malapit na siyang mag-asawa ay hindi umano niya tatalikuran ang kanyang showbiz career at very supportive naman sa kanya ang kanyang future husband na si Frank.

Speaking of Francine, hinayang na hinayang ito sa dalawang teleserye na kanyang pinakawalan sa bakuran ng ABS-CBN, ang TV series na pagsasamahan nina Gerald Anderson at Jake Cuenca at maging ang teleserye ng pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona. Nagkataon kasing may conflict ito sa taping ng Ang Panday kung saan regular ding napapanood si Francine plus nagti-taping din siya ng The Beautiful Country na pinamamahalaan ni Ricky Rivero for Sari-Sari Channel ng Viva TV. Meron ding isang teleserye ang GMA na inalok kay Francine na hindi rin niya natanggap dahil sa conflict ng kanyang schedule.

Freelancer si Francine kaya puwede siyang lumabas sa iba’t ibang TV network.

May recurring guest appearance din si Francine sa hit TV series na Dolce Amore.

Still on Francine, desidido siyang ibalik sa dati ang kanyang seksing katawan kaya balik siya sa pagda-diet at pagdi-gym kapag may libre siyang time.

Puring-puri naman si Francine ng kanyang mga kasamahan sa trabaho dahil sa pagiging professional nito sa kanyang trabaho. She makes it a point na parati siyang on time na dumarating sa set. Lumalakad din siyang mag-isa na walang alalay at siya rin ang nagmamaneho ng kanyang sariling sasak­yan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with