^

PSN Showbiz

Kaya masayang-masaya Princess Punzalan nakakapanampal na uli!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muli nating napapanood si Princess Punzalan sa telebisyon dahil kabilang ang aktres sa teleseryeng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Bukod sa nasabing serye ay kasama rin si Princess sa independent film na Diyos-Diyosan na mapapanood na sa mga sinehan sa Miyerkules.

Sa pagbabalik-showbiz ni Princess ay naninibago na raw ang aktres ngayon sa trabaho. “Nagbago ang mga equipment, mas malamig na ang ilaw. Mayroon nang aircon tents, noong nineteen tralala ‘di pa ito uso. Ang pinaka-na-miss ko talaga, ang mag-perform sa harap ng camera at alam ko na prepared ako para ibigay ang hinihingi ng eksena. Basically, ‘yun talaga eh, performer ako, artists ako at I’m at my happiest kapag ginagawa ko ito,” nakangiting pahayag ni Princess.

Nakilala ang aktres sa pagiging isang magaling na kontrabida. Nagagawa raw ni Princess na makatotohanan ang bawat eksena dahil na rin sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa proyekto. “Kapag sampalan scenes, ang first option ko is dayain pero kapag hindi nagwo-work, tatanungin ko ang kaeksena ko na, ‘Ano, okay ba sa iyo totohanin natin?’ Minsan ‘yung artista pa mismo nagsasabi, ‘Totohanin mo na po.’ Or minsan bubulungan ka ng direktor na parang blank pa ang expression ng artista, totohanin mo na. Ayun, may respeto tayo sa co-actors na hindi binabanatan na walang warning,” kwento ng beteranang aktres.

Joshua at Loisa, hiwalay muna!

Hindi na si Joshua Garcia ang katambal ngayon ni Loisa Andalio sa mga proyekto. Si Yves Flores ang katambal ngayon ng dalaga sa teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Wala raw problema kay Joshua kahit ibang aktor na ang kapareha ni Loisa. “Sa akin okay lang naman po kasi trabaho ‘yon. Okay lang naman, relax-relax. Kasi ngayon, pa-guesting-guesting lang muna ako. Tulad sa Ipaglaban Mo, may love team naman ako, si Mika dela Cruz pero slight lang,” paliwanag ni Joshua.

Aminado ang binata na nami-miss na niya si Loisa lalo pa’t marami na silang pinagtambalang mga proyekto. “Nami-miss din siyempre nakatrabaho ko siya eh. Kasi ngayon, bihira lang kaming magkita, kasi siyempre busy siya, busy din ako. Magkaiba kami ng trabaho,” pagtatapat ni Joshua.

Hindi raw nagpaalam sa aktor si Loisa na makakatambal na nito si Yves. “Hindi naman po at parang hindi rin naman kailangang magpaalam. Parang nagbalita lang siya na, ‘Uy! Joshua, sasama ako sa Be My Lady.’ Kasi sinabi niya sa akin ‘yon no’ng maggo-go-see pa lang. Tapos kinuwento niya kung ano ‘yung nangyari. Nag-share lang siya, gano’n lang,” kwento ni Joshua.

Nililigawan na kaya ng binata si Loisa? “Friends pa lang din po. Masyado pa po siyang bata eh. She’s only 17 saka respeto na rin po sa magulang niya. Sinabihan po ako ng papa niya na parang barkada-barkada lang po muna. Sabi ko, ‘Okay lang po. ‘Yon din naman ang intension ko sa anak n’yo.’ Parehas lang naman po kami ng iniisip. Siguro ‘pag 18, pwede na siyang ligawan pero hindi pa siya pwedeng mag-boyfriend,” nakangiting sagot ni Joshua

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with