^

PSN Showbiz

Matapos ipaayos ang ilong at suso baguhang female personality inahas sa manager ang pamangking aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung paniniwalaan ang mga kuwento ay literal na nag-alaga ng ahas ang isang manager na may matinding pinagdadaanang problemang emosyonal ngayon. Hindi niya naisip kahit minsan na sa kabila pala ng magaganda niyang nagawa para sa isang babaeng personalidad ay makakaya pa rin siyang traydurin nito.

Kinupkop niya ang baguhang personalidad, pinatira sa kanyang bahay, libre ang lahat-lahat. Itinuring na miyembro ng kanilang pamilya ang babae, minahal ito ng kanyang mga anak, pero iba ang ibinalik nito sa kanya.

Habang nakatira pala sa kanyang bahay ang bagitong personalidad ay may nagaganap na sa babae at sa kanyang alaga. Patago ang kanilang relasyon, para silang mga daga na kapag wala ang pusa ay saka nagsasamantala, nalaman ng manager isang araw ang milagro.

“Napakalaki ng nagawa ni ____(pangalan ng manager) sa babaeng ‘yun. At napakatindi rin ng ginawa niyang effort para sa alaga niyang guwapong aktor na hindi na iba sa kanya.

“Habang nakikitira pala siya sa bahay ng manager, e, kinakalantari niya naman ang young actor na dahil kasibulan ang init ng katawan ngayon, e, nahulog sa kanya!” kuwento ng aming source.

Pinaalis ng manager ang baguhang female personality sa bahay niya, pero dahil nakuha na nga nito ang loob ng guwapong pamangkin ng manager, umalis din ito sa poder ng kanyang tiyuhin-manager.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Huwag na ang ginawang pagpaparetoke ng manager sa boobs at ilong niya, binigyan man lang sana niya ng importance ang pagmamahal sa kanya ng pamilya.

“Totoo ring it takes two to tango, ginusto rin ni ____(pangalan ng guwapong young actor) ang nangyari sa kanila, pero sana, naisip man lang ng girl na may matinding masasaktan sa pinasok niyang relasyon.

“That girl talaga, palibhasa, e, kamag-anak ng yema ang name niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris parang gusto naman ma-kidnap, ipinaalam na nakatira siya sa bahay ng Kuya niya?

Dahil sa peligrong malagay sa alanganin ang kanyang buhay ay may kilala kaming prodyuser na pinanindigan ang hindi paglalabas ng kanyang retrato sa mga pahayagan. ‘Yun ang matinding pakiusap ng prodyuser, ang tanggalin ang kanyang mukha sa mga babasahin, dahil may nagbabantang mangidnap nu’n sa kanya.

Ang mga anak naman ng mga pamilyang bukod-na-pinagpala ay ingat na ingat sa pagpo-post sa social media tungkol sa kanilang mga aktibidad.

Basta may pupuntahan silang party, pero kung saan, hindi nila sinasabi.

Pagpansin ng marami ay si Kris Aquino lang ang pinagplanuhang kidnapin na detalyadong nagbibigay ng mga ginagawa niya sa araw-araw. Mula sa kanyang paggising hanggang sa matulog na siya nang madaling-araw ay ibinabalita niya sa social media kung anu-ano ang pinagkaabalahan niya sa buong araw.

Nagbigay ng pahayag ang aktres-TV host na Pebrero pa lang ay alam na niya ang planong pagkidnap sa kanya ng Abu Sayyaf. ‘Yun daw ang dahilan kaya hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Pero kung babalikan ang mga kuwento niya mula nu’ng Pebrero ay makikita na wala naman siyang ginawang pag-iingat para sa kanyang seguridad pati na sa kaligtasan ng kanyang mga anak.

‘Yun ba ang meron nang alam nu’ng Pebrero pa lang? Pati nga ang schedule ng kanilang bakasyon ay ibinabahagi niya sa social media, lahat ng ginagawa niya ay naka-broadcast, sumasama-sama pa siya sa malalayong probinsiya para sa kandidatura ng minamanok ng kanyang kuya sa panguluhan.

At ngayon, ayon kay Kris ay nakatira sila ng kanyang mga anak sa bahay ng kanyang kuyang pangulo, para raw makaiwas sila sa peligrong madukot ng mga Abu Sayyaf.

‘Di ba naman pagbibigay uli ‘yun ng ideya sa mga kikidnap kung saan sila dapat tugaygayan at sundan?

Ahahay!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with