^

PSN Showbiz

Nova ?hindi mukhang 70!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magkaklase kami ni Nova Villa sa V. Mapa High School kaya  ang buong akala ko, magkasing-edad kami.

Mali ang paniniwala ko dahil mas matanda sa akin si Nova ng isang taon pero walang-wala sa hitsura niya na 70 years old na siya.

Mestiza si Nova dahil Irish-American ang tatay niya. Nang matapos kami ng high school, naging artista na siya. Nagkita na lang uli kami nang maging movie reporter ako.

Magkasama kami ni Nova noong Sabado sa lunch na ipinatawag ni ManayMarichu Vera Perez-Maceda para sa anak nito na si Atty. Edward Maceda na kumakandidatong congressman sa 4th District ng Maynila.

Naging beauty queen si Nova noong mga bagets kami dahil siya ang nag-win na Miss Mapa High School. Never ako na sumali sa mga beauty o popularity contest noon dahil kilos-lalaki ako kaya madalas na napagkakamalan ako na tomboy.

Heart kaya nang maging Bicolana?

Nagpapasalamat si Heart Evangelista sa aking BFF, si Albay Governor Joey Salceda dahil sa endorsement nito sa kandidatura ni Senator Chiz Escudero.

Muling nagpasalamat si Heart kay Papa Joey nang bumisita siya sa  Albay.

Parang tunay na Bicolana si Heart dahil ginamit niya ang lengguwahe ng mga Bicolano sa kanyang pasasalamat kay Papa Joey.

“Salamatunon sa pinahiling mong suporta Gov. Joey Salceda. Dios mabalos! Naks marunong na ako! Hahaha (Salamat sa binigay mong suporta Gov. Salceda. Gagantihan ka ng kabutihan ng Diyos!),” ang natatawa na pahayag ng misis ni Papa Chiz.

Kasama ang mga kilalang pulitiko sa Bicol, nagpahayag ng suporta si Papa Joey sa tandem nina Papa Chiz at Senator Grace Poe.

Big news ang desisyon ni Papa Joey dahil siya ang former chairman ng Liberal Party sa Bicol Region pero pinili niya na lumipat sa Gobyernong may Puso nina Mama Grace at Papa Chiz.

Sinabi ni Papa Joey na ginawa nito ang crucial decision para sa mga kababayan niya sa Albay at sa kinabukasan ng bayan natin.

Sa susunod na Lunes na ang eleksyon kaya ramdam na ramdam na ni Heart ang pressure.

Masigasig si Heart sa pangangampanya at pareho sila ng asawa niya na todo-buhos ang pagbisita sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Proud si Heart dahil kapag nangangampanya sila ni Papa Chiz, ang mga tao ang ikinukuwento nito, hindi ang sarili.

“He’s so passionate for everyone and yet this is not about him, this is about us  (voters) and that’s what people don’t get, ‘di ba? Pinagbibidahan nila ang sarili nila pero hindi tungkol sa candidate ito, tungkol sa atin ito,” ang paliwanag ni Heart.

Dennis binibigyan pa rin ni Heart ng panahon

Kahit busy sa pangangampanya, may panahon si Heart para sa tapings ng Juan Happy Love Story ang coming soon romantic primetime series nila ni Dennis Trillo sa GMA 7.

Plantsadong-plantsado ang schedule ni Heart dahil kapag nagkaroon ng bulilyaso, affected na ang lahat ng mga appointment niya as in domino effect ang nangyayari.

Kung sakaling mag-win si Papa Chiz sa May 9 elections, magkakaroon tayo ng magandang misis ng bise-presidente.

At kung kilala natin si Heart, tiyak na ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career, kahit ‘Win Gatchalian’  na si Papa Chiz dahil hindi siya sanay na walang ginagawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with