^

PSN Showbiz

Block screening ng This Time pila-pila raw walang iwanan Nadine – James

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Very positive ang attitude ni James Reid sa tapatan ng pelikula nila ni Nadine Lustre kina John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado. Ayon sa actor, naniniwala pa rin siya sa healthy competition pero gulat daw siya at wala siyang malay na mangyayari ‘yun.

“Nagulat din po ako but then, hindi ko rin po alam kung paano magre-react kasi first time. Ewan ko po, ako first time ko lang din po na-experience na mayroong dalawang movies na same rin po ‘yung playdate nila. We’re happy naman po, siyempre si Kuya Lloydie naman po ‘yon. I mean, we’re not competing naman po with anyone. We’re just really excited and happy po sa This Time.”

Nauna sa May 4 playdate ang movie nina James and Nadine, at dapat ay noong last Wednesday pa ipinalabas ang kina John Lloyd pero hindi umano nabigyan ng mga sinehan ang pelikula dahil nga kasalpukan nila ang Captain America : Civil War at priority ng mga sinehan ang salpukan nina Captain America and Iron Man sa Civil War.

Besides, naniniwala si James sa healthy competition lalo na nga’t first time mangyayari ang bakbakan sa takilya ng kapwa niya Kapamilya actor.

Pero ang advantage ng JaDine hindi nagpapabaya ang fans nila na mas lalong kinikilig nang sabihin ni James sa Jadine Flying High on Love, ang four-episode special na kinunan sa kanyang Jadine In Love Tour na ‘walang iwanan’ sa kanila ng girlfriend. “Nadine, every leg of this tour and every part of this journey has been memorable because I’m with you. We sang, we danced, we laughed together. Our love will always be romantic and I will always say I love you. Because it’s true. Walang iwanan.”

Na sinagot naman ni Nadine : “James, the moment you said your very first ‘I love you,’ you never failed to prove it each and every day. And sa tour na ito, lalo mong pinatunayan how much you love me.

“I love you even more for making me feel special every day. We are just starting and we have more adventures together coming our way.”

Kaya naman ang fans, pila-pila na ang ginawang block screening. As in hindi nga raw nila mabilang na ipinagpapasalamat nila ayon kay James.

Ogie lumantad na para kay Grace

Lumantad na si Ogie Alcasid para kay Sen. Grace Poe sa isang pagtitipon sa Marikina kamakailan. Bukod sa pag-endorso, nag-alay ang kompositor/singer ng orihinal na awitin para sa senadora.

Kinanta ni Ogie ang original composition para kay Grace noong Sabado (Abril 30) ng gabi sa taunang fireworks display sa Marikina City na dinaluhan ng senadora at mga kandidato ng Partido Galing at Puso.

“Pilipinas panahon na naman. Upang piliin ang pinuno ng bayan. Sari-saring opinyon sa kung paano, ano at sino. Walang ibang dapat kumilos kundi tayo,” sey ng lyrics ng makabagbag-damdaming awitin.

“Tayo lahat ay magsama-sama. Salubungin natin ang magandang bukas. At sa pagsulong ng bayan siya’y maaasahaan. Tunay na Pilipino Grace Poe. Gobyerno na may puso, Grace Poe,” sey ng chorus ng awitin ng mister ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Nagbigay rin ng maikling pananalita si Ogie sa naturang okasyon bago niya inawit ang kaniyang komposisyon para kay Grace.

“Kaya po ako naririto upang magbigay tulong sa aking kaibigan na si Grace. Kung kayo po ay hindi pa nakakapagdesisyon kung sino’ng iboboto, tutulungan ko po kayo na magdesisyon. Sa Mayo 9, sino ang iboboto ninyo?,” tanong ni Ogie na sinagot naman ng audience ng malakas na sigaw ng Grace Poe!

Nagbitiw si Ogie bilang commissioner ng People Power Commission kamakailan para itodo ang pangangampanya sa anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces.

Nauna rito, marami pang kilala at nirerespetong mga pangalan ang nagbigay kay Poe ng suporta kabilang na ang Superstar na si Nora Aunor at ng isa pang haligi ng industriya na si Eddie Garcia.

Ilan pa sa mga artistang nagdeklara ng suporta kay Grace ay sina “Bossing” Vic Sotto, Coco Martin, Gabby Concepcion, Dingdong Dantes.

Sumusuporta rin kay Grace si Heart Evangelista na asawa ng running mate niyang si Sen. Chiz Escudero, gayundin ang kapatid na si Lovi Poe, at maging sina Bela Padilla, Glaiza de Castro, Pauleen Luna, Epy Quizon,  Rez Cortez, Basilio, Jimmy Santos, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Ruby Rodriguez, Giselle Sanchez, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Kusang-loob umano ang kanilang mga pagtulong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with