^

PSN Showbiz

Dapat maghinay-hinay Pia natatabunan ng kasikatan ng doktor

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dapat nga naman hindi gawing masyadong open ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang lovelife sa isa ring popular na doktor. Nababawasan kasi ang interes sa kanya ng kalalakihan. Mas nabibiyayaan ang male doctor kaysa sa kanya. Napapatungan nito ang kasikatan niya. Ayaw siguro naman niyang makikilalang “the girl of the popular doctor”.

John Prats ikinasa sa dalawang major local films

Kung kailan siya gumawa ng indie film at saka pa mararanasan ni John Prats ang matapat at mailaban sa dalawang malalaking major Tagalog films. Ito ang Diyos-Diyosan na nalipat ang playdate mula May 4 at nakatapat ang pagpapalabas ng Just The 3 Of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado at This Time nina James Reid at Nadine Lustre. Parehong malalaking film outfits ang gumawa ng Just the 3… at This Time na ngayon ay bakbakan sa promo.

Inaasahan na lamang ng direktor ng movie na si Cesar Buendia at nagtatampok kay John na panoorin din ang pelikula na mayro’n ding tema ng pulitika at eleksyon.

Excited si John sa movie dahil nabigyan siya nito ng bagong pananaw sa kanyang estado bilang padre de pamilya at bilang pumipili ng lider ng bansa.

Dating artistang si Jenny Varga kinatawan ng bansa sa Mrs. Universe

Napili palang kinatawan ng bansa para sa Mrs. Universe ang da­ting nag-aartistang si Jenny Varga. Minsan nang nagpabalik-balik ng Japan at Pilipinas ang dating artista para sa kanyang boutique business. Nagawa rin niyang gawing daan ang pananatili ng bansang Hapon para makapagturo ng Ingles sa mga Hapones na walang kaa­laman sa lengwahe.

Ang franchise holder ng Mrs. Universe ang kumumbinse sa kanya para mag-join sa international beauty pageant na magaganap sa Aug. 26-Sept. 26.

Gabby at Nora mapapanood sa Dos

Dalawang Kapuso actors ang mapapanood sa Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya. Parehong araw ng Sabado napapanood ang dalawang programa na umaani ng pagtangkilik ng maraming tele­viewers.

Ang isang Kapuso ay si Gabby Eigenmann na mapapanood sa tanghali at ang pangalawa ay ang Superstar na si Nora Aunor sa MMK. Pinagtatalunan pa kung isa nang Kapamilya si Gabby samantalang isa lamang guesting ang gagawing paglabas ni Nora sa pangu­nahing drama anthology ng bansa.

Grabe makahiyaw Karylle, Angelica, Vice, at Ryan fan na fan ng volleyball

Kung makapag-cheer naman sina Karylle, Angelica Panganiban, Vice Ganda, at Ryan Bang para sa mga volleyball player ng Ateneo, akala mo ay hindi sila mga artista. Isa ang mga panahong ito na nakikitang pumapantay sa kasikatan ng mga artista ang mga atleta, lalo na sa larong volleyball. Katulad ng mga naging laban ni Manny Pacquiao, pinakapinanood ang naging championship game between Ateneo Eagles and La Salle Spikers nu’ng Sabado ng hapon sa Araneta Coliseum. Malinis ang mga kalsada, pati na ang mga masasamang loob ay time out sa trabaho nila para manood ng TV.

Ang galing, ang ganda! Sino ba sina Mika Re­yes, Ara Galang, at Alyssa Valdez? Sila lamang ang madalas nababanggit sa TV, pero kung nagawa nilang makopo ang panonood ng TV ng lahat, aba kailangang makilala nga sila at malaman kung maganda nga silang impluwensya hindi lang sa mga kabataan kundi sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with