^

PSN Showbiz

Heart hindi nagpa-hard to get kay Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May kumalat na picture sa social media nina Dennis Trillo at Heart Evangelista habang nasa recording studio at nire-record ang theme song ng primetime series nilang Juan Happy Love Story.

Baka kasi sa TV promo o kaya’y sa mall show lang to promote their series gagamitin nina Dennis at Heart ang theme song at kukuha ng totoong singer ang production.

Marami na ang excited na mapanood ang Juan Happy Love Story dahil sa Dwarfina pa huling nagtambal sina Dennis at Heart. Naughty rom-com daw ang bago nilang series na magpa-pilot sa May 23 kung saan gaganap silang mag-asawa.

Nakakagulat nga ang nakikita naming picture dahil may bed scene sina Dennis at Heart at may kissing scene pa yata. Tanong tuloy ng fans na buti pumayag si Sen. Chiz Escudero na mag­pahalik ang misis niya.

Samantala, isyu pala ang pagkakapanalo ni Heart over Rhian Ramos sa Lip Sync Battle last Saturday. May mga naniwala (kabilang si Janno Gibbs) na mas magaling ang ginawa ni Rhian, pero si Heart pa rin ang nanalo dahil naghakot daw ng fans niya. ‘Kaloka ‘di ba? Pati sa pagli-lip sync may isyu.

Aljur masaya sa lovelife nina Kylie at Louise

Isa sa nagbibigay ng excitement kay Aljur Abrenica sa airing ng Once Again simula bukas, pagkatapos ng Poor Señorita ay dahil magagamit na niya ang kanyang natutunan sa acting workshop at maipakikita na ang maturity niya bilang aktor.

Dobleng challenge ang primetime series nila ni Janine Gutierrez dahil dalawang karakter ang ginagampanan niya. Kinailangan niyang ipakita ang pagkakaiba nina Edgar del Mundo at Aldrin Sanchez at isa sa naisip niya ay ibahin ang hairstyle ng dalawang karakter.

Gusto rin ni Aljur na makita ng viewers lalo na ‘yung nagdududa pa rin sa kanya, ang improvement bilang isang tao after niyang dumalo sa Ike Pono seminar. Ang laki raw ng naitulong sa kanya ng seminar at ‘yun ang dahilan sa nakikitang positive changes sa kanya.

Sa “second chance” ng kanyang career naka-focus si Aljur ngayon. Wala muna siyang love life at masaya siya kahit walang GF. Happy siya kung totoong may relasyon na sina Kylie Padilla at Julian Trono at kung totoong may love life rin si Louise delos Reyes na huling na-link sa kanya.

Rufa Mae panay ang update ng preparasyon pero ayaw ipaalam kung kailan ang kasal

Tuluy-tuloy ang paghahanda nina Rufa Mae at Trev Ma­gallanes sa kanilang kasal na muk­hang dito gagawin o baka may wedding din sa San Francisco. Pinost ni Rufa Mae sa Instagragm (IG) ang picture habang sinusukatan siya ni Pepsi Herrera at parang ito ang gagawa ng kanyang wedding gown.

Pinost naman ng fiancé ni Rufa Mae sa IG ang sketch ni Edwin Tan ng tux at sabi nito, “Drafting the tux concept for our wedding. The concept that we decided on is more of a classic feel yet very customized to our personalities.”

Ipinaalam din ni Rufa Mae na si Teena Barretto ang wedding planer niya, si LJ Moreno-Palapag ang gagawa ng wedding cake nila at pati catering binanggit na rin.

Ogie at Michael V hindi pa rin nawawala ang respeto sa isa’t isa

Wala na palang Happy Truck HAPPinas ang TV5 at pi­nalitan ito ng gag show. Nag-taping na raw para sa show na ipapalit sa Happy Truck Happi­nas at ginawa na siyang gag show. Itatapat daw ang show sa Bubble Gang na pinanggalingan ni Ogie Alcasid.

Ang balita, hindi sumama si Ogie at pati na si Janno Gibbs sa bagong gag show bilang respeto sa Bubble Gang at kay Michael V at sa ibang cast na matagal naka­trabaho ni Ogie.

Naalala tuloy namin na kahit puwedeng palitan si Ogie sa karakter niyang si Boy Pick-up sa Bubble Gang, hindi pumayag si Michael V bilang respeto sa kaibigan. Nakatutuwang malaman na uso pa rin pala ang respetuhan sa showbiz!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with