^

PSN Showbiz

Kris bugbog-sarado sa mga upak ng madlang pipol

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Wagas na wagas pa rin ang pamba-bash kay Kris Aquino sa social media. Kung ang masasakit na salitang ibinabato laban sa kanya ngayon ang gagawing sukatan ay hindi na niya kailangang kumain nang mahabang panahon dahil siguradong didighay siya sa sobrang kabusugan.

Ewan kung paano tinatanggap ni Kris ang mga ganu’ng komento, hindi na lang siguro niya binabasa-pinapasadahan ang mga galit na reaksiyon ng ating mga kababayan sa mga isyung kinapapalooban niya, deadma as in deadma na lang siguro si Kris tungkol du’n.

Kung papatulan niya kasi at sasagutin ang lahat ng negatibong arya ng kanyang mga bashers ay kakapusin siya sa panahon. Kahit magbabad pa siya nang beinte kuwatro oras sa harap ng kanyang mga gadgets ay kulang na kulang pa rin ang oras niya para maipagtanggol ang kanyang sarili.

Grabe, parang siya na ang ginagawang pulutan ng ating mga kababayang mahilig makipista sa buhay ng mga sikat na personalidad, mula ulo hanggang paa ang tinatanggap na upak ng presidential sister ngayon.

May mga nananawagan pa sa Abu Sayyaf na ituloy ng grupo ang pangingidnap kay Kris para kahit paano raw ay makatikim ng hirap ang aktres-TV host. ‘Yun daw kasi ang wala si Kris, hindi niya naranasang maghirap kahit minsan sa buong buhay niya, kaya napaka-insensitive niya.

Kung babalansehin natin ang mga negatibong komento ng mga kababayan natin kontra sa nakauunawa kay Kris ay tatagibang ang timbangan. Milya-milya ang layo. Malaking-malaki ang kabigatan ng mga negatibong reaksiyon laban kay Kris kesa sa mga umaayon-umuunawa sa kanyang pinagdadaanan.

Komento ng isang political analyst na nakausap namin, “Kawawa rin si Kris in a way. Siya ang shock absorber ng pangulo niyang kapatid. Collateral damage lang si Kris.

“Siya ang napupuruhan dahil sikat siya, kaya ang galit ng mga tao kay P-Noy, sa kanya natsa-channel, siya ang sumasalo at nagdurusa.”

Young actress lukring kaya inaayawan ng mga lalaki!

Ang pagiging lukring ng isang young actress ang itinuturong dahilan ng kanyang mga katrabaho kung bakit nauwi sa wala ang matagal-tagal na rin nilang relasyon ng isang magaling at sikat na aktor.

Pabagu-bago raw kasi ang takbo ng utak ng babae, sala siya sa init at sala sa lamig, kaya pagkatapos unawain-sakyan ng kanyang boyfriend na aktor nang mahabang panahon ang kanyang kakaibang ugali ay bumigay na rin ito.

Mahirap kunong ispilengin ang ugali ng magandang aktres, extremes kung ilarawan ng marami ang kanyang attitude, mahirap sakyan ng kahit sino.

Komento ng isang source, “E, ang boyfriend pa naman niya, yes or no lang ang ugali nu’n. Hindi siya masalita, pero malambing, napakasimple ng buhay ng taong ‘yun.

“Madalas silang magtalo tungkol sa mga walang katorya-toryang bagay. Sayang ang panahon dahil ang liit-liit lang ng pinagmulan, pero ang girl ang nagpapalaki ng issue.

“Lumalaki tuloy ang misunderstanding nila, lumalaki ang gap nila, samantalang kung tutuusin, e, petty lang naman ang pinanggalingan ng hindi nila pagkakasundo.

“Ayun, dahil sa kalukringan ng girl, nagsawa na rin siguro ang lalaki, hindi na niya kinaya ang kakaibang attitude ng girl kumpara sa mga ex niya!” napapailing na kuwento ng source.

Ganu’n na pala talaga ang ugali ng aktres, kahit ‘yung isang aktor na matagal niyang nakarelasyon pero nakahiwalay rin ay ganu’n ang pinagdaanan sa kanya, nagkataon lang na mas mahaba ang pasensiya nito kesa sa kabe-break lang niyang magaling at sikat na aktor.

“Extremes ang ugali ng girl. Too emotional siya, too drastic magdesisyon. Hindi muna siya nag-iisip bago umaksiyon. Sayang, akala pa naman ng marami, e, altar na ang kauuwian ng relasyon nila,”dagdag na kuwento pa ng impormante.

Ubos!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with