^

PSN Showbiz

JaDine hindi pinatos ang milyun-milyong offer ng mga pulitiko

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Walang ini-endorsong kahit sinong kandidato ang loveteam nina James Reid and Nadine Lustre.

Ito ang laman ng ipinadalang official statement ng Viva Artists Agency (VAA) tungkol sa lumabas na campaign material kung saan nakadilaw sila.

Narito ang buong statement ng VAA na natanggap ko :

This is to inform the public that Viva Artists Agency, Inc. (VAA) and its artists, James Reid and Nadine Lustre, are not endorsing, supporting nor affiliated with any candidate for the 2016 Philippine elections. Any materials featuring the name, image or likeness of Mr. Reid and Ms. Lustre endorsing or supporting any political candidate were released and exhibited without the consent of VAA, Mr. Reid and Ms. Lustre.

Ayon sa source, maraming pulitiko ang nag-alok sa sikat na loveteam pero iniiwas silang ma-identify sa kahit kaninong kandidato dahil sa kanilang mga product endorsement. At mind you, milyon-milyon daw ang offer na talent fee sa magka-loveteam.

Besides, malamang wala naman silang time mag-ikot sa kampanya kung sakali mang tumanggap sila ng endorsement sa pulitiko.

Nang makausap namin recently ang magka-loveteam sa last shooting day ng pelikula nilang This Time na showing na this Wednesday, kuwento ni Nadine halos hindi na niya alam ang date and day dahil nga wala na silang pahinga sa rami ng commitments. Eh sa May 12 aalis sila para sa US and Canada Tour na almost one month kaya kailangan nilang tapusin lahat ng commitment sa endorsements bago lumarga pa-Amerika at Canada.

Si James naman ay ganundin. Birthday pa pala ng actor sa May 11. Pero wala raw  sila halos tulugan dahil todo naman ang promo nila sa This Time.

Anyway, milyones na ang number of views ng trailer ng This Time na dinirek ni Nuel Naval for Viva Films na everyday trending sa Twitter.

Wowowin pahinga muna

Kumpirmado, mamahinga muna sa ere ang programa ni Willie Revillame na Wowowin. Naglabas kahapon ng official statement ang GMA 7 sa pamamagitan ni Ms. Angela Javier - Cruz, GMA Vice President for Corporate Communications.

“GMA Network’s well-loved daily game show Wowowin with host Willie Revillame will take a short break this May. Willie welcomes the brief vacation and is excited and busy preparing for the program’s first anniversary celebration upon its return. Coinciding with Wowowin’s break, the studio facilities will be temporarily utilized for election coverage. Fans and supporters can look forward to bigger prizes, more fun games and excitement from Wowowin.”

Marian may sariling lugar sa bahay ang pictorial para sa Instagram

Ibinuking ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang sikreto para sa magandang Instagram feed. Pag-amin niya, mayroon sila sa bahay na white wall kung saan niya ginagawa ang photoshoot ng kanyang ipo-post at nakakailan siyang kuha. “May white wall ako sa bahay, dun ko siya kinukunan. Paulit-ulit kong pini-picture-ran, sobrang arte ko. Siguro ano, isa din ‘yan sa mga hilig kong gawin eh. Talagang mabusisi ako sa pag-aayos ng mga bagay-bagay.”

Andre inaming mami-miss niya si Barbie

Marami ang nakakapansin na malaki ang improvement ni Andre Paras lalo na sa pag-arte kaya naman inaabangan na ang susunod niyang project sa Kapuso Network pagkatapos ng That’s My Amboy.

Ani Andre, paniguradong mami-miss niya ang kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza at loo­king forward siya na muli itong makatrabaho sa susunod na project. “I will definitely miss her. Barbie will always be the same person who makes everyone happy and at the same time you will enjoy your work because she is very makulit and super taas ng energy. I hope to work with her again.”

Heart Evangelista at Dennis Trillo, nag-record na ng theme song

Kahapon ay nag-recording na sina Heart Evangelista at Dennis Trillo ng theme song ng kanilang upcoming series na Juan Happy Love Story. Mapapanood ang nasabing programa simula May 16 sa GMA Telebabad.

Jennylyn isasabak ng GMA sa cooking show

Simula May 8, magbibigay ng wais tips ang Romcom Queen na si Jennylyn Mercado sa kanyang bagong cooking show na Dishkarte of the Day na mapapanood sa GMA News TV. Ihahanda niya ang kanyang useful kitchen tips at delicious meaty recipes na siguradong swak sa budget ng manonood.

Makakasama niya bilang co-hosts sina Sam YG at Betong Sumaya.

So ayan klaro, hindi siya lilipat ng ABS-CBN porke’t nagtambal sila ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Just the 3 of Us.

John pinagsamantalahan ang kaban ng bayan

Showing din pala sa Miyerkules, May 4 ang pelikulang dIYOS-DIYOSAn na pinagbibidahan ni John Prats and Princess Punzalan.

Makakatulong ito sa karamihan sa atin na mag-isip kung sino ba talaga ang karapat-dapat na iboto sa May 9.

Kuwento ito ng isang matalinong estudyante na ginamit ang utak para marating ang mga pangarap. Pero pinagsamantalahan niya ang ibinigay na pagkakataon at nagpayaman nang nagpayaman habang nasa posisyon.

Pati ang sarili niyang kaibigan ay ipinakulong niya para manahimik.

Pera ang sinanto niya at walang pakialam sa mga nangyayari sa bayan. Kinalimutan din niya ang Diyos.

Mula sa mababang posisyon naluklok siya sa pagiging presidente pero may isang bagay na magpapa-realize sa kanyang pinaggagawa. Isang taong nagsilbing magulang niya.

At kung ano at sino ‘yun, panoorin ninyo at baka maka-relate kayo sa mga pangyayari lalo na at napaka-crucial ng ating gagawing pagboto next week.

Kung may pinatatamaang kandidato, ‘yun ang malalaman ninyo.

The movie is directed by Christian film director Cesar Buendia.

“We may have thrown out the most corrupt dictator the country ever had, but the spirit of corruption remained in our soul as a people. No rally, no people power, no revolution can extinguish that. Is there hope? Absolutely! And the hope does not lie on us people. True change can never come from people. Real change can only come from God. Hindi ako, hindi tayo ang simula ng pagbabago.”

In all fairness, rebelasyon ang acting ni John dito na gumanap ngang batang pulitiko.

Si Princess naman ay alam mong uhaw na sa acting. At inilabas niya lahat ‘yun bilang isang teacher na sumanib sa kilusan pero nakilala ang Diyos at nagsilbing inspirasyon sa lahat.

Diyos ang sentro sa pelikula na makikipagtapatan sa dalawang romantic comedy movie ngayong Wednesday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with