^

PSN Showbiz

Kaso may iba na Aktres nami-miss ang ex-BF na aktor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Walang epek ang pagpo-post ng aktres ng I miss you sa Instagram (IG) na obviously para sa ex-BF niyang aktor dahil wala nang balak ang aktor na makipagbalikan sa kanya. Naka-move on na ang aktor sa break-up nila na ang aktres ang nag-initiate. In fact, may iba nang nililigawan ang aktor, na isa ring aktres na kaibigan ng kanyang ex.

Natawa kami nang malaman ang rason ng break-up ng ex-showbiz couple. Ito’y dahil lang sa Viber, isang App sa smartphone. Gusto ng aktres at inutusan ang ex-BF na mag-download ng Viber sa phone niya para mabilis silang nakakapag-usap kahit nasa taping sila ng kani-kanyang shows.

Ang problema, sira ang iPhone ng aktor that day kaya hindi siya makapag-download. Pero sabi ng aktor na nakausap namin, marami na silang small conflicts, at naipon na para tuluyan silang mag-break.

Nilinaw ng aktor na ang aktres ang nakipag-break at hindi siya at dahil ayaw nang makipag-usap ng aktres, hindi na siya nagpilit makipagbalikan pa. Tapos malalaman niya sa amin na nag-post ang ex na may nami-miss daw.

John napatunayang totoo ang tsismis na puyatan ‘pag may baby

Si director Cesar Buendia na ang nagsabing isang dramatic actor na John Prats ang mapapanood sa pelikulang Diyos-di­yosan. Siya rin daw ay nagulat sa husay na ipinakita ng aktor dahil ang alam niya, comedian ito. Sa first few scenes pa lang, alam na ni direk Cesar na hindi siya nagsisi sa pagpili kay John to portray the role of Bernard Mojica, tumatakbong presidente sa pelikula.

“Para akong new actor dito at na-realize ko na masarap gumawa ng pelikula na wala kang love team at hindi ka nagpapa-cute. Sana panoorin ito lalo na ng mga botante at sana mamulat kayo.

Bubuk­san ng pelikula ang isip at mga mata nyo kung sino ang tamang iboto,” wika ni John.

Sa May 4, ang showing ng pelikula, tamang-tama bago ang eleksyon sa May 9 at kahit two big local movies ang kasabay, hoping sina John, ang mga producer at si direk Cesar na panonoorin din ang Diyos-diyosan na may R-18 rating.

Anyway, brand-new father si John dahil kasisilang lang ni Isabel Oli sa baby girl nilang si Lily Feather. Paano maging ama at anong pagbabago sa buhay niya ang pagkakaroon ng anak?

“Paglabas pa lang niya, nagbago na ang pananaw ko sa buhay. Kahit walang cut-off at kahit segue, kaya ko. Bilang botante, dati wala akong pakialam. Ngayon, hindi na future ko at future ng asawa ko ang iniisip ko, pati future ng baby namin.”

“Ang pagbabago sa akin as a new father, na-realize kong totoo ang tsismis na puyatan ang magka-baby, pero ibang puyatan ito, masarap na puyat. Ini-enjoy at tsini-cherish ko moment with my daughter. Inaabuso ko ang paghalik sa kanya dahil paglaki niya, hindi na ‘yan magpapahalik. I’m enjoying every seconds na kasama ko ang baby namin,” pahayag ni John.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with