^

PSN Showbiz

Luis baka magkaroon ng dalawang amang senador!, Showbiz personalities na kandidato malaki ang natipid sa kampanya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bising-bisi ang Megastar na si Sharon Cuneta kasama ang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel sa kampanya ng mister niyang si dating Food Security Secretary  Francis Pangilinan na muling tumatakbo sa pagka-senador.

Nasa last stretch na halos ng kampanya para sa May 9 national elections pero umaasa ni Mega na muling maluluklok sa senado ang kanyang mister.

All out din ang singer-actress-painter na si Heart Evangelista sa panga­ngampanya sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero na tumatakbo sa pagka-bise-presidente.

Sa kabila na busy rin si Heart sa taping ng kanyang bagong serye sa GMA at sa iba pa niyang mga showbiz commitments, she makes it a point na may oras siyang nakalaan para tumulong sa kampanya ng kanyang esposo.?

Suportado ni Heart ang tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz. Si Sen. Grace ang kandidato sa pagka-pangulo.

Hindi rin nagpapabaya ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez sa pagsuporta sa kandidatura ng kanyang inang si Alma Moreno na kandidato sa pagka-senador. Kandidato rin sa pagka-vice mayor ng Paranaque ang kanyang half-brother (sa father side) na si Jeremy Marquez at sa pagka-konsehal ng nasabing lugar ng isa pa niyang half-brother (sa mother side) na si Vandolph Quizon.

Nakakagulat ang suporta na nakukuha ng vice-presidentiable na si Rep. Leni Robredo mula sa iba’t ibang sector.

Kung si Sen. Grace Poe ang pangulong iboboto ni Dingdong Dantes, si Rep. Leni naman ang kanyang vice-president.

Ang veteran actor na si Eddie Garcia naman ay hindi nagkait ng kanyang suporta sa kanyang kababayan na si Sen. Chiz Escudero.

Tatlong kandidato naman ang sinusuportahan ni Luis Manzano, ang kanyang inang si Batangas Gov. Vilma Santos na kandidato sa pagka-kongresista ng isang distrito ng Batangas, ang kanyang amang si Edu Manzano na kandidato sa pagka-senador at ang kanyang step-dad na si Sen. Ralph Recto na reeleksyonista sa pagka-senador.

Kapag parehong nakalusot sa senado sina Sen. Ralph Recto at Edu, magkakaroon ng dalawang amang senador si Luis.

Ang ex-GF naman ni Luis na si Angel Locsin ay all out ang suporta sa kanyang tiyuhing si Party List Representative Neri Colmenares na kandidato naman sa pagka-senador.

Musuwerte naman si Vico Sotto na kandidato sa pagka-konsehal sa isang distrito ng Pasig City dahil bukod sa kanyang celebrity (estranged) pa­rents na sina Vic Sotto at Coney Reyes, tumutulong din sa kanyang kampanya ang kanyang half-siblings na sina Danica, Oyo, at Paulina at iba pang mga kaanak.

Si Vico ay pamangkin ng reelectionist senator na si Sen. Tito Sotto.

Si Tito Sen or Sen. Tito Sotto ay suportado rin ng kanyang Eat Bulaga family ganundin ng kanyang misis na si Helen Gamboa-Sotto, mga anak including Ciara Sotto at mga kapatid na sina Vic, Val, at Maru Sotto.

Sa rami ng mga showbiz personalities na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon, malaking advantage para sa kanila kumpara sa ibang kandidato na kailangan pang magbayad ng mahal para lamang makakuha ng suporta mula sa mga kilalang personalidad from showbiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with