^

PSN Showbiz

P-Noy ayaw din paniwalaan Kidnapping ng Abu Sayyaf parang pautot lang, Kris todo rampa naman at aktibo sa social media

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi natin masisisi ang maraming tao na ayaw maniwala sa pralala ni P-Noy na may kidnapping plot laban sa kanyang kapatid na si Kris Aquino at sa mga anak nito.

Hindi rin naniniwala ang doubting Thomases sa pralala na ang banta na pagkidnap kay Kris ang dahilan kaya nagbabu ito sa show niya sa ABS-CBN.

Simple lang ang katwiran ng mga mapagduda. Kung talagang may kidnapping plot laban kay Kris, bakit naka-announce ang pag-alis niya sa Pilipinas? Bakit active siya sa social media habang nagbabakasyon sila ng kanyang mga anak sa Hawaii?

Pati si Papa Manny Pacquiao, target din ng Abu Sayyaf Group, ayon sa pralala ni P-Noy.

Eh nang mainterbyu si Papa Manny, napa-Ingles ito sa kanyang reaksyon na “I wasn’t informed.”

Oo nga naman, kung talagang may masamang balak ang Abu Sayyaf na kidnapin si Papa Manny, bakit hindi ito binigyan ng babala ng intelligence group para makapag-ingat  siya  at ang pamilya nito?

Kung talagang may plano na kidnapin si Kris Aquino, bakit rampa pa rin ito nang rampa sa pangangampanya?

Dating CJ Corona pumanaw sa edad na 67

Nakakalungkot ang balita na pumanaw na kahapon si former Supreme Court Chief of Justice Renato Corona sa edad na 67.

Parang kailan lang nang humarap si Justice Corona sa impeachment trial na mala-teleserye na sinubaybayan ng Sambayanang Pilipino.

Binigyan pa ng malisya ang paggamit ni Justice Corona ng wheelchair at pinaratangan na nagdadrama. Lumabas ang katotohanan na may sakit pala talaga siya at hindi acting ang panghihina niya noong kasagsagan ng impeachment trial. Nakaburol ang labi ni Justice Corona sa Heritage Park.

Heart inuurirat, pati itim sa paligid ng mata ng mister ginawan ng isyu

Si Heart Evangelista ang tinatanong tungkol sa intriga na diumano ay sinuntok ni Neil Llamanzares ang kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero dahil sa nawawalan get pondo raw.

Hindi pa naglalabas ng statement si Heart pero pinabulaanan na ni Papa Chiz ang tsismis.

Ang sey ni Papa Chiz, bahagi pa rin ng paninira  ang tsismis dahil malapit na malapit na ang eleksyon.

May nagpakalat pa ng balita na may pasa sa mukha si Papa Chiz pero walang marka ng black eye ang mukha niya nang mangampanya sila kahapon ni Senator Grace Poe sa Bicol.

Totoo na medyo maitim ang paligid ng mata ni Papa Chiz pero dahil ito sa puyat at pagod na epekto ng araw-araw na pangangampanya niya.

Ayon din sa source ko, walang katotohan na magkagalit sina Sen. Grace and Sen. Chiz. Talaga raw sinisiraan lang ang tambalan nila na hindi puwedeng buwagin ninuman.

Boobay hapong-hapo na ang hitsura sa kararaket sa kampanya

Parang lantang gulay naman si Boobay nang umapir ito sa taping ng Celebrity TV noong Huwebes.

Tatlo ang regular show ni Boobay sa GMA 7 pero rumaraket  siya sa mga kampanya kaya kulang na kulang sa tulog ang co-host ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!

Sinasamantala ni Boobay ang pagkakataon dahil minsan lang siya maging busy sa mga kampanya.

Hanggang May 7 na lang ang campaign period kaya looking forward si Boobay na makapagpahinga at makabawi ng tulog para mawala na ang ngarag na hitsura niya.

Hindi nag-iisa si Boobay dahil hataw rin sa mga kampanya ang mga kapwa niya stand up comedian na nanghihinayang din sa malaki-laking datung na kikitain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with