^

PSN Showbiz

Iza sasabak sa election coverage ng BBC!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tuloy na pala ang paggawa ng pelikula ni Iza Calzado under Artikulo Uno Production to be directed by Jerrold Tarog na producer at director ng Heneral Luna. Wala pang title na pangatlo raw sa trilogy movie ni direk Jerrold.

Makakasama ni Iza sa pelikula sina Ian Ve­ne­ra­cion at TJ Trinidad.

Nabasa naman namin sa Instagram (IG) ni Noel Ferrer, manager ni Iza na makakasama si Iza ni Rico Hizon sa coverage ng election ng BBC. Patutunayan ni Iza na hindi lang siya pang-showbiz at puwede rin siya sa hard news.

Gabby at Carla walang ilangan sa trabaho kahit magkaiba ng presidente

Mabuti at walang conflict kina Gabby Concepcion at Carla Abellana, mga bida ng Because Of You dahil magkaiba ang kanilang presidentiable. Si Carla ay si Mar Roxas ang sinusuportahan.

Si Gabby ay si Sen. Grace Poe naman ang sinusuportahang kandidatong president at sumasama siya sa sortie nito sa mga probin­siya. Sa isang post sa IG, sinabi ni Gabby na “GRACE POE is my personal friend. Mine is a personal choice. I have no political agenda. She supported me back in the days. She has my support...anytime!”

Mukhang hindi nag-iisa si Gabby sa cast ng rom-com series na sumusuporta kay Sen. Grace dahil sa isang picture sa IG ng aktor, kasama niya sina Jackie Lou Blanco at Mi­chael Flores at ginagaya ang hand sign ni Sen. Grace.

Ang caption ni Gabby ay “Our Philippines can have a good president and can be a better place for us #becauseofyou All support for #gracepoe #gracepoe2016.”

Maine hindi man lang sinabi kay Alden na nahipuan siya ng boobs!

Nagkagulo ang fans ni Maine Mendoza kasama ang AlDub Nation fans nila ni Alden Richards dahil sa Wednesday episode ng Eat...Bulaga. Nabastos daw kasi si Maine sa Sugod Bahay segment. Ang sabi, nahipuan sa boobs si Maine na ikinaiyak nito.

Ang nangyari raw kay Maine ang rason kung bakit parang bad trip si Alden dahil hindi sinabi sa kanya ng dalaga ang nangyari at sa staff pa ng Eat...Bulaga niya nalaman. Kaya raw tinanong ni Alden ang ka-love team ng “ano ba ako sayo?”

Ang request at suggestion ng fans sa TAPE Inc., at sa production ng Eat...Bulaga, alisin si Maine sa barangay at ilagay muna sa Broadway. Kundi puwede, dagdagan ang kanyang security at bigyan siya ng babaeng security para nadidikitan siya at hindi na maulit ang nangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with