^

PSN Showbiz

Alden sa labas na lang daw: Fans gustong ipasok sa studio si Maine para hindi na mabastos

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Inaabangan ng fans ni Nora Aunor ang guesting niya sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Matagal na panahon na ang nakalipas buhat nang lumabas si Nora sa programa ng Kapamilya Network.

SCENE: Tatlong artista ang magkakalaban sa City Council election sa 5th District ng Quezon City, ang incumbent councilor na si Anjo Yllana, ang dating action star na si Dan Alvaro at ang character actor na si Johnny Revilla.

SEEN: Nangampanya kahapon sa 4th District ng Quezon City sina Mar Roxas at Leni Robredo. Si Hero Bautista ang artista na kumakandidatong konsehal sa 4th District ng Quezon City.

SCENE: Ang suggestion ng AlDub fans na pagpalitin sina Maine Mendoza at Alden Richards para hindi na maulit ang pambabastos sa dalaga. Si Maine ang ilagay sa Broadway studio ng Eat Bulaga at si Alden ang isama kina Wally Bayola at Jose Manalo sa sugod bahay sa mga barangay.

SEEN: Hindi na interesado ang mga tao sa mga press release ni Rufa Mae Quinto na magpapakasal na sila ng kanyang Fil-Am boyfriend. Si Rufa Mae na lang ang naniniwala na interesado pa rin ang publiko na malaman ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

SCENE: Ngayon ang 3rd birthday ni Zion Gutierrez, ang lovechild nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

SEEN: Nakapag-advance taping na si Marian Rivera para sa Mother’s Day episode ng Yan Ang Morning!, ang kanyang morning show sa GMA 7 na magsisimula pa lamang sa May 2. Inspired si Marian sa kanyang bagong career bilang television host.

SCENE: Magkasama na nangampanya kahapon sa lalawigan ng Laguna sina Vice President Jojo Binay at Congressman Manny Pacquiao. Marami ang bilang ng mga hindi naniniwala na may plano ang grupo ng Abu Sayyaf na kidnapin si Pacquiao.

SEEN: Fan na fan ni Julia Montes si Claudine Barretto na nagpahayag na araw-araw nito na pinapanood ang Doble Kara ng ABS-CBN. “Nagpapahiwatig” at “nagpaparamdam” sa ABS-CBN si Claudine ang pagbibigay-malisya ng detractors dahil sa walang sawa na pagpuri niya kay Julia na tukayo ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with