^

PSN Showbiz

Ex ni James nakipagtuos at humingi pa ng tulong kay Nadine!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maayos daw ang pakikitungo ni James Reid sa kanyang mga na­ging karelasyon noon. Ayon sa aktor ay hindi raw ito naging problema sa kasintahan ngayon na si Nadine Lustre.

May pagkakataon pa raw na kinausap ng dating kasintahan ni James si Nadine dahil nakararanas ito ng pamba-bash sa social media. “She actually approach Nadine because they still talk. So she was asking help from Nadine and Nadine tweeted to the fans. Yes, she appealed to the bashers to stop and stop the hate and stop bashing,” pagtatapat ng aktor.

Maging si James ay nakararanas din ng bashing online at may mga nagsasabing ‘wild party boy’ daw ang aktor at hindi ito nararapat na maging kasinta­han ni Nadine. “Well I do love to party and I get where the bad boy thing comes from. But maybe Nadine is what I need. Can you hate me if I’m wanting to have something that’s good?” giit ng binata.

Na-awkward din nu’ng unang magkita Bea kinikilig sa kaguwapuhan ni Gerald

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkaka­tambal sa isang pelikula sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Matatandaang naugnay din sina Bea at Gerald ilang taon na ang nakalilipas.

Nagkailangan ang dalawa nang magkita para sa kanilang story conference noong Miyerkules. “To be totally honest, weird because first time naming magkakasama sa pelikula,” pagtatapat ni Bea.

“Kahit sino naman, kapag may bagong leading lady ka or leading man, gano’n talaga. Magkakaroon talaga ng awkwardness,” dagdag naman ni Gerald.

Inaasahan na raw ng aktor ngayon pa lamang na muli silang mauugnay ni Bea sa isa’t isa. “Siyempre kasama talaga ‘yon. It is what it is, gano’n talaga. Sa amin, gusto lang naming magbigay ng magandang movie despite kung ano man ang sasabihin ng iba. Wala kaming magagawa.”

Walang karelasyon ngayon sina Bea at Gerald kaya may posibilidad na magkagustuhan talaga ang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with