^

PSN Showbiz

James malamang hindi makapag-celebrate ng birthday sa bansa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang pagiging hot ng JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre ngayon kaya nakatitiyak na halos ang Viva Films na isa na namang box office hit ang kanilang This Time movie na pinagbibidahan ng dalawa na nakatakdang ipalabas sa May 4.

Ang This Time ay pang 4th movie na bale ng dalawa. Nauna na rito ang Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at ang Para sa Hopeless Romantic kung saan nila nakasama sina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Sa sobrang busy ngayon nina James at Nadine ay hindi na nila halos maisingit ang promo ng kanilang pelikula lalupa’t paalis sila early next month para sa kanilang U.S. and Canada concert tour at isang buwan silang mawawala.

Malamang na sa ibang bansa na rin idaos ni James ang kanyang ika-23rd birthday on May 11.

Ang balita namin, sa kanilang pagbabalik mula sa concert tour ay sisimulan naman nila ang kanilang bagong teleserye bilang follow-up sa kanilang hit TV series na On the Wings of Love.

Winner ng I Love OPM susunod isusunod kina Sandara at Ryan?!

Tiyak na hindi bibitawan ng ABS-CBN ang kauna-unahang Grand Touristar ng I Love OPM na si Yohan Hwang dahil pang-matinee idol ang hitsura nito. 

If ever, si Yohan ang ikatlong Korean national na ibi-build up ng Kapamilya Network pagkatapos nina Sandara Park (na isa nang malaking star sa Korea) at ang komedyanteng si Ryan Bang.

We have to credit ABS-CBN for coming out with such a brilliant show tulad ng I Love OPM na nagbigay ng bagong kahulugan sa mga Original Pilipino Music na binigyang-buhay ng mga banyaga na nagmamahal  sa ating sariling musika.

Kung tutuusin, ang konseptong ito una naming napanood sa isang segment ng Eat Bulaga na Foreignay at Foreignoy kung saan ang mga contestants ay nagmula sa iba’t ibang bansa na nagsasalita ng Tagalog sa Q&A at nagpapakitang gilas ng kanilang husay sa pag-awit ng mga original Filipino songs at sumasayaw ng mga katutubong sayaw pero kakaiba ang naging presentation ng ABS-CBN sa pamamagitan ng I Love OPM which was hosted by Anne Curtis with Eric Nicolas habang sina Martin Nievera, Lani Misalucha, at Toni Gonzaga naman ang mga tumayong hurado sa entire run ng singing completion para sa mga banyagang contestants.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with