^

PSN Showbiz

Bakbakan nina Captain America at Iron Man inaasahang mas bebenta kesa Batman v Superman; Bashers ‘di matanggap, Pacman tumaas ang rating dahil sa panalo kay B

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Papasa na anak ni Dr. Manny Calayan si Miguel Luna, ang aspiring actor at younger brother ni Pauleen Luna.

SCENE: Bakasyon grande sa isang beach resort si Vic Sotto at ang pamilya niya. Ngayon ang 62nd birthday ni Vic at ito ang kanyang unang kaarawan bilang asawa ni Pauleen Luna.

SEEN: Maging character actress ang pangarap ni Mayton Eugenio, ang anak ng dance choreographer na si Geleen Eugenio. Walang balak si Mayton na sundan ang yapak ng kanyang ina dahil wala raw siyang talent sa dance choreography.

SCENE: Ang pormal na paglulunsad ngayon kay Marian Rivera bilang host ng Yan Ang Morning!, ang morning show niya sa GMA 7 na magsisimula sa darating na Lunes, May 2, 10:30 am.

SEEN: Inendorso ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang senatorial candidacy ni Edu Manzano. Number 30 ang pangalan ni Edu sa balota kaya EDU30 ang tawag sa kanya ng mga supporter ni Duterte.

SCENE: Pinilahan kahapon sa lahat ng mga sinehan ang Captain America: Civil War. Certified blockbuster sa Philippine theaters ang Hollywood movie na inaasahan na mas malakas kesa Batman v Superman: Dawn of Justice.

SEEN: Hindi matanggap ng bashers at haters ni Congressman Manny Pacquiao na tumaas ang rating niya sa latest senatorial survey. Nakatulong kay Pacquiao ang panalo niya sa nakaraang laban nila sa boxing ni Timothy Bradley, Jr.

SCENE: Kulang sa public awareness na kumakandidato na senador ang former actor na si Mark Lapid. Ang anak ni Senator Lito Lapid ang senatorial bet ng AKSYON.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with