^

PSN Showbiz

AiAi si Donald Trump ang iboboto, Kaya nagkagulo sa taping ng bagong show Anak nina Dingdong at Marian bawal kunan ng picture

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kapag napapag-usapan si Kuya Germs, medyo senti itong baguhang si Sanya Lopez na isa sa mga Sang’gre sa pagbabalik ng Encantadia.

Si Kuya Germs na pala ang itinuturing niyang tatay-tatayan dahil wala na siyang ama mula pa raw noong two years old pa lamang siya.

Malaki raw ang utang na loob niya sa namayapang Master Showman dahil ito raw talaga ang nagpursige sa kanya na pasukin ang showbiz.

Sinamahan lang daw ni Sanya sa Walang Tulugan ang kuya niyang si Jak Roberto at doon siya nakita ni Kuya Germs. Magmula noon, pinasali na raw siya sa Walang Tulugan at nabigyan nga siya ng chance na makapag-audition sa Encantadia.

PAK: Nagkagulo raw sa studio ng bagong morning show ni Marian Rivera na Yan ang Morning dahil dinala roon ng GMA Primetime Queen ang baby nilang si Baby Letizia.

Kasama rin si Dingdong Dantes doon sa taping at siya ang nagdala kay Baby Letizia.

Sobrang cute ng baby na tahimik lang daw doon sa dressing room ni Marian.

Napapadaan daw ang staff sa dressing room, kaya binuksan na lang nila ang pinto para makita nila si Baby Zia.

Tuwang-tuwa sila sa napakagandang bagets nina Dingdong at Marian, pero hindi pala sila puwedeng magpa-picture sa baby. Naintindihan naman nila ang mag-asawa dahil ang dami nga namang endorsement ng bagets at dapat mapangalagaan nila ang privacy ng napaka-cute na baby nila.

BOOM: Consistent pa rin si AiAi delas Alas sa pagsasabing kay Vice President Jejomar Binay ang suporta niya. Hindi naman daw siya sinasabihang tulungan itong mangampanya, pero kapag okay naman daw ang schedule niya, bakit hindi?

Pero hindi naman pala nakakaboto ang Comedy Queen dahil green card holder siya at US immigrant na.

Sa totoo lang sa Amerika pala siya puwedeng bumoto at hindi rito. Kaya kung siya ang tatanu­ngin, kung sino sa mga possible presidentiables ang iboboto niya, si Donald Trump daw ang type niyang iboto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with