PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nasa Japan para sa This Time James at Nadine sumakto sa pagbukadkad ng cherry blossoms

Lumipad kahapon sa Japan sina James Reid at Nadine Lustre para sa shooting ng This Time, ang bagong movie project nila sa Viva Films.

Hindi magtatagal sa Japan ang magdyowa dahil babalik sila sa Pilipinas sa April 9

Magkasabay na nagpunta kahapon sa airport sina Nadine at James para sa early flight nila sa Japan. Perfect sa mga eksena ng This Time ang pamumukadkad ng Cherry blossom trees sa  lugar na pupuntahan nina James at Nadine.

‘Anak’ ni Kuya Germs nabigyan ng malaking break

Inabangan ko sa 24 Oras noong Martes ang announcement ng bagong cast ng Encantadia 2016.

At least, confirmed ang mga tsismis noon tungkol sa mga aktres na gaganap sa pagbabalik ng Encantadia sa telebisyon, sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro.

The who pa sa lahat si Sanya na biggest television break ang Encantadia 2016. Talent ng Walang Tulugan si Sanya at kung nasaan man si Kuya Germs, tiyak na masaya ito dahil another alaga niya ang binigyan ng Kapuso Network ng malaking break.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Encantadia noon sobrang lakas, serye ni Tonton naapektuhan

Parang nawala na sa isip ko na nagkaroon pala ang GMA 7 ng primetime show na Etheria ang pamagat.

Kung hindi pa kami nagkausap ni Tonton Gutierrez, hindi ko malalaman na lumabas pala siya sa Etheria na napanood sa GMA 7 noong December 2005 hanggang February 2006.

Hindi lang si Tonton sa mga alaga ko ang umapir sa Etheria dahil kasali rin dito si Pauleen Luna at Glydel Mercado.

Tumagal lang ng dalawang buwan ang Etheria dahil due to insistent public demand, ibinalik ng GMA 7 ang Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas na ipinalabas mula February 2006 hanggang April 2006.

Seryoso na sa relasyon, Mark laging nakabuntot kay Winwyn sa kampanya

Tumutulong si Mark Herras sa kampanya ni Jeremy Marquez na kumakandidato bilang mayor ng Parañaque City.

Siyempre, kasama ni Mark sa mga campaign sortie ni Jeremy ang kanyang rumored girlfriend na si Winwyn Marquez.

Sanay na ang mga tao na madalas na nakikita na magkasama sina Mark at Winwyn kaya naniniwala sila na seryoso na ang relasyon ng dalawa at tapos na si Mark sa courting stage.

Kung suportado ni Mark ang kampanya ng half-brother ni Winwyn, walang reason para hindi niya suportahan ang senatorial candidacy ni Alma Moreno, ang madir ng kanyang “girlfriend”.

Gwen nagpapaka-‘estudyante’ para sa dyowa

Hindi lamang si Mark ang showbiz persona­lity na masipag na ipinangangampanya ang kandidatura ni Jeremy dahil tinutulungan din ito ng kanyang fiancée na si Gwen Zamora.

Parang estudyante na masipag mag-aral at always present si Gwen sa kampanya ni Jeremy. Kahit mainit ang panahon, sumasama si Gwen sa mga house-to-house campaign at pag-iikot ng kanyang dyowa sa lahat ng mga barangay ng Parañaque City.

Tirso hindi kinalilimutan ang pagkakaibigan nila ni Gov. Vi

Si Tirso Cruz III naman ang isa sa mga masugid na supporter nina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Senator Ralph Recto.

Malapit na kaibigan ng mga Cruz sina Mama Vi at Papa Ralph kaya ipinapangampanya sila ni Tirso ng walang anumang kapalit.

Kumakandidatong congresswoman ng lone district ng Lipa City si Mama Vi at re-electionist sa senado si Papa Ralph.

Ipinangalan pa sa kanilang mag-asawa Ali Sotto nanay na nanay sa baby ng kasambahay

Parang si Ali Sotto ang nanganak nang magsilang ng baby girl ang kasambahay nila ng kanyang mister na si Omar Bsaies.

I’m sure, magiging ninang at ninong ng bagets sina Ali at Papa Omar. Amira ang name ng baby girl at galing ito sa  pinagsama na pangalan nina Ali at Papa Omar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: