^

PSN Showbiz

Walang kupas ang pagmamahal sikat na female personality hindi pa rin limot ang first love

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw kailanman namamatay ang unang pag-ibig. Hindi rin nakakalimutan ng nagmamahal ang tamis ng unang halik na natikman niya mula sa taong nagpapaikot ng kanyang mundo.

Lahat ng alaala ng kanilang relasyon ay nakatago sa kanyang puso, palagi niyang binubuksan ‘yun para balik-balikan, ganu’n ang unang pag-ibig.

At ganu’n mismo ang nagaganap sa buhay ng isang sikat na female personality na meron nang sariling pamilya. Nagkahiwalay man sila ng aktor na naging dahilan ng kulay rosas niyang mundo nu’n ay hinding-hindi pa rin niya ito nakalilimutan.

Dekada na ang nakalilipas, nagkaroon na sila ng kani-kanyang karelasyon, pero hanggang ngayon pala ay matimbang pa rin sa puso ng babaeng personalidad ang guwapo at nagkakaedad nang aktor.

Kuwento ng isang source na malapit sa buhay ng sikat na aktres, “Anuman ang mangyari, kahit saan pa sila makarating, first love never dies talaga para sa female personality.

“Todo ang galit niya nu’ng magkahiwalay sila, ‘di ba? Halos isumpa na niya ang guy na nahuli niyang may iba pala. Matindi ang galit niya, gusto na niyang sunugin ang lalaking nagpaligaya pero nanakit din sa kanya.

“Pero sa puso niya, e, ang lalaking ‘yun pa rin ang mahal niya. Kesehodang nagkaroon na ng iba-ibang karelasyon ang guy, ‘yun pa rin ang nang-aabala sa utak niya, mahal na mahal pa rin niya ang first love niya,” matindi ang pag-iling ng aming source.

Dahil meron na silang kani-kanyang pamilya ay nagkakasya na lang ang sikat na female personality sa panonood sa kanyang ex, sinusubaybayan niya ang seryeng pinagbibidahan ng kanyang tunay na pag-ibig, kahit pa meron na itong mga guhit-guhit sa noo na tanda ng pagkakaedad.

Dahil du’n ay kantahan na lang natin ang pamosong aktres ng piyesang Sana’y Wala Nang Wakas.

Ubos!

Luchi Cruz-Valdes pinupuri ang katapangan!

Nu’ng nakaraang Lunes ay wala sa programang Relasyon si Ms. Luchi Cruz-Valdes. Wala rin siya sa Aksyon Prime. Pasado alas-sais nang gabi na siya dumating mula sa Cebu City kung saan ginanap ang matagumpay na Presidential Debates 2016.

Pero umuwi ang hepe ng News 5 na pagod man ay maligaya pa rin dahil pinagpistahan ng buong bayan ang debate ng mga kumakandidato sa panguluhan na binuo ng kanyang departamento sa pakikipagtulungan ng The Philippine Star.

Nag-trending si Ms. Luchi Cruz-Valdes. Sinasaluduhan siya ng ating mga kababayang tumutok sa debate dahil sa kawalan niya ng pretensiyon. Agaran niyang inamin sa publiko na pinayagan niyang magdala ng notes sa podium si VP Jejomar Binay na tinutulan naman ng COMELEC at ng tatlo pang katunggali nito.

Inamin ng hepe ng News 5 ang kanyang pagkukulang, hindi siya nagturo ng ibang taong puwedeng sisihin, inako niya ang pagkakaroon ng partisipasyon kaya na-delay nang mahigit na isang oras ang pagsisimula ng debate.

Pero lahat ng ‘yun ay nakalimutan ng manonood nang magsimula na ang debate. Sa mga unang sultada pa lang ay parang gusto nang magsuntukan ng mga tumitirador sa pinakamataas na posisyon ng ating pamahalaan.

Nagsasalimbayan ang kanilang mga boses, bawat isa’y gustong kumain sa sobra-sobrang oras na ibinigay lang para sa kanila, du’n nagpakita ng parehas na tapang ang hepe ng News 5.

Talagang pumapagitna siya at sa marespetong paraan ay pinaaalalahanan niya ang mga magdedebate na tapos na ang kanilang oras. Kapag nalalayo na ang argumento sa paksa ay siya ang pumuputol sa pagtatalu-talo.

Matapang. Matalino. Masustansiya. May paninindigan. Ganu’n ang paglalarawan kay Ms. Luchi Cruz-Valdes ng ating mga kababayan pagkatapos ng kontrobersiyal na Presidential Debates 2016.

Mabuhay ang lahat ng mga nagbalangkas sa debate ng mga tumatakbo sa panguluhan. Mabuhay si Ms. Luchi Cruz-Valdes at ang kanyang mga nasasakupan sa bulwagang pambalitaan ng TV5!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with