^

PSN Showbiz

Madonna hindi nakilala ng mga naka-bonding na bagets

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tama ang dama ko na hindi nga raw nakilala ng mga bata na dinalaw at naka-bonding din ni Madonna sa Hospicio de San Jose.

Napanood sa TV ang isang interview kung saan tinanong ang isang bata sa Hospicio kung dinalaw sila ni Madonna. Pero ang sagot ng bata: “May nakita po kaming dumalaw, matandang Amerikana.” Aray ko. Pero siyempre understandable na ‘yun dahil mga bata naman sila at siyempre hindi naman sila nagkakaroon siguro ng chance na manood ng mga music channel o makinig sa FM radio stations.

Pero dapat maging thankful tayo dahil naalala ni Madonna na dalawin ang nasabing lugar. Samantalang ‘yung ibang mga sikat na personalities natin, waley mas gustong ibandera ang kanilang mga mamahaling gamit sa kani-kanilang social media account.

Maalalang ganito rin ang nangyari noon sa sikat na football player  na si David Beckham nang dumalaw sa Tacloban para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga bata ayon sa mga balita pero nagtatanong ang mga kabataan kung sino raw si David Beckham at ano ang nilalaro nito.

Kahit nga raw si Justin Beiber na bumisita rin noong 2013 sa Tacloban, hindi nakilala ng ilang kabataan doon. Si Justin Beiber na ‘yun ha.

Siyempre mas kilala ng mga bata ang mga naturang lugar ang mga artista ng mga local nating teleserye.

Teka, hindi kaya naisipan ni Madonna na mag-ampon din sa Hospicio? Kilalang mahilig sa bata ang pop superstar at maalalang may dalawa siyang ampon, sina David Ritchie and Mercy James, from Africa.

Lately ay napapabalitang may problema sa anak niyang si Guy Ritchie ang pop superstar na ayaw umanong bumalik sa New York at mas gustong mamalagi sa kanyang ama sa London.

Speaking of Madonna nga pala, pumiyok ang isang lider ng simbahan natin kung bakit daw pinayagan itong mag-concert sa bansa samantalang hindi naayon sa Christian values ang kanyang mga ginagawa at kinakanta bilang singer.

Maging ang Catholic Archbishop ng Singapore ay nanawagan sa kanyang bansa na ‘wag ding manood ng Rebel Heart concert tour dahil iniinsulto umano nito ang relihiyon.

Hanggang ngayong gabi pa ang concert ng American superstar sa MOA Arena.

Jessy sasakay sa pag-arangkada ng third season ng Wheels

Aarangkada na uli ang nangungunang motoring show ng The Philippine STAR, ang Wheels sa kanilang ikatlong season.

Napapanood ang Wheels sa ABS-CBN Sports + Action Channel, sa bago nitong timeslot na 10:30 ng gabi tuwing Huwebes.

Sa unang paandar, aapir ang aktres na si Jessy Mediola kasama ang STAR motoring writer na si Kap Maceda Aguila. Sakay ng isang sports car kasama ni Kap, ikukuwento ni Jessy kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan, kung ano ang latest sa kanyang lovelife at ano ang interes niya sa kotse at pagmamaneho.

Ang programa ay ang bersyon sa telebisyon ng lingguhang motoring section ng The STAR na unang umere noong nakaraang taon.

Kasama pa rin sa third season si Matteo Guidicelli bilang main host kasama ang motoring team ng STAR na binubuo ng motoring editor nito na si Manny De Los Reyes at mga writers na sina Kap Maceda Aguila, Angel Rivero at Ulysses Ang na magsisimula ngayong gabi.

Para sa unang episode ng third season ng programa, itatampok din ang EcoBoost technology ng Ford, na nasa makina ng mga kilalang models ng kanilang mga sasakyan gaya ng Fiesta, Focus at Mustang.

Tampok din ang ilang tips kung paano makakaiwas sa sudden unintended acceleration (SUA) na nakaapekto sa ilang mga sasakyan nitong mga nakalipas na buwan. 

Samantala, sasakay si Angel sa bagong Polaris ATV. 

At inipon din ng Wheels sa dulo ang pinakamagandang bahagi ng palabas, kung saan tampok ang seksing aktres na isa sa mga bida ng seryeng You’re My Home ng ABS-CBN.

“Maraming dapat asahan na mga bagong content mula sa Wheels para sa TV at dyaryo na bersyon nito. Ito ang tanging motoring show na nagbibigay ng kumpletong motoring experience para sa mga motoring fans. Hindi n’yo lang mapapanood ang mga pinakabagong model ng sasakyan sa TV, mababasa n’yo pa ito sa dyaryo at sa inyong mga cell phone at tablet,” sabi ng  The STAR SVP for sales and marketing Lucien Dy Tioco.

Ang Wheels ay ang inyong gabay sa buhay sa daan. Sundan rin ito sa Facebook, i-like lamang ang facebook.com/PhilStarWheels.

TV special alay para kay Kuya Germs, mapapanood na ngayong Biyernes

Isang TV special para kay Kuya Germs ang inihanda ng GMA 7 na pinamagatang The Master Showman’s Final Bow. Ito ay mapapanood ngayong Bi­yernes, February 26 pagkatapos ng Because of You. Makikita sa programa ang pagsasama-sama ng mga naging anak-anakan at kaibigan ni Kuya Germs sa mundo ng showbiz maging ang kanyang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay upang bigyan ng parangal sa pamamagitan ng iba’t ibang production numbers ang pinakamamahal na star-builder extraordinaire ng showbiz industry.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with