PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Piolo at John Lloyd hinusgahan na sa Hele...

Siguradong hinding-hindi makakalimutan ng Kapamilya lead actors na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang kanilang naging experience sa Berlinale (Berlin International Film Festival) na ginanap sa Berlin, Germany. Nagsimula ito since last February 11 at magtatapos sa araw na ito, February 21. Kalahok kasi ang kanilang pelikulang idinirek ng premyadong director na si Lav Diaz, Hele sa Hiwagang Hapis.

Bukod kina Piolo, John Lloyd, at Direk Lav Diaz, kasama rin sa 8-hour movie sina Cherry Gil, Alessandra de Rossi at Susan Africa.

Sa pagtatapos ng Berlinale sa araw na ito, ihahayag kung aling pelikulang kalahok ang gagawaran ng Golden Bear Award para sa pinakamagandang pelikula. Makuha kaya ng Hele… ang pinakamimit­hing tropeo ng producer (Paul Soriano), director na si Lav Diaz at ng bumubuo ng cast?

Edgar Allan sinusundan si Jericho?

Everything is coming up roses para sa dating Mr. Pogi Philippines ng Eat Bulaga noong 2006, the same contest na pinagmulan ni Jericho Rosales na si Edgar Allan Guzman na uminit nang husto ang pa­ngalan matapos siya mapasali sa Your Face Sounds Familiar noong nakaraang taon sa Dos.

Bukod sa paggawa ng pelikula, meron na ring album si Edgar Allan under Star Music. Nakapagtanghal na rin siya sa kanyang unang solo concert sa Music Museum last January 16.

Meron din siyang dalawang upcoming movies, ang Pare, Mahal Mo Raw Ako with Michael Pangilinan at ang unang tambalan nila ni Alex Gonzaga sa romantic-comedy movie na I’ll Get Over You.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Luis at Angel wala nang third chance

Marami ang nanghihinayang na sa hiwalayan rin pala mauuwi ang relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin na muling nagkabalikan in February 2014 matapos silang maghiwalay sa loob ng halos limang taon. When everybody thought na sa altar na magtatapos ang relasyong Luis at Angel, hindi ganoon ang nangyari.

Marami na ring mga espekulasyon ang naglaba­san after their second break-up pero malamang na wala nang third time reconciliation sa pagitan ng dalawa.

Hindi lamang ang mga tagahanga nina Luis at Angel ang naapektuhan kundi maging ang kanilang respective families at malalapit na kaibigan na sobrang boto sa relasyon ng dalawa.

Richard ibang-iba sa mga Panday ni FPJ

Isang linggo na lamang ang ipaghihintay ng mga tagahanga ni Richard Gutierrez dahil simula sa darating na Lunes, February 29 ay mapapanood siyang muli sa isang napakalaking tele-fantasya, ang TV adaptation ng Ang Panday na likha ni Direk Carlo J. Caparas at unang binigyang-buhay sa malaking telon ng yumaong action and movie king na si Fernando Poe, Jr.

Ang kaibahan sa bagong Ang Panday, tatlong magkakaibang character ang gagampanan ni Richard bukod sa iconic character na si Flavio, making it different sa Ang Panday movies at naunang serye na unang ginampanan ni Jericho Rosales sa bakuran ng ABS-CBN.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: